Dingdong will run for Senate?

Ang “perfect couple” na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang bagong celebrity endorsers ng Cignal Prepaid, ang number one Pay TV provider ng bansa.

“Eto talaga ‘yung hinahanap namin, na gusto namin ni Dong. Imagine, 108 channels ang pagpipilian mo at HD , huh! Marami kaming pwedeng panoorin ni Dong. Perfect sa amin ito ni Dong pati na rin kay Zia,” sey ni Marian tungkol sa Cignal.

“For me, napakahalaga ng industriya ng TV dahil dito kami nagkakilala ni Yan,” share naman ni Dingdong.

“Parang sa paniniwala ko, 2009 yata nabuo ang Cignal. That year din, meron kaming ginawa ni Yan that’s still very significant sa akin.

“With those very important reasons, we’re very grateful at this point in our lives, nandito kami to collaborate and to represent the brand new Cignal TV, a product that we believe in so much. 

“Sobrang pasasalamat ko rin dahil dumating sya sa buhay namin kung san meron na kaming pamilya, di ba? Magagamit namin sya sa aming tahanan. Ang saya lang.

received_10210985417248525

“Na-full circle sya dahil ang ginagamit naming pang-bonding ay telebisyon din. Its also one thing families can use pag kasama nila ang families nila o barkada nila,” kwento ng Kapuso drama actor.

Dahil katatapos lang ng parehong show nila sa TV, mas may time daw silang mag-bonding at nasa kuwarto lang sila with Zia na nanonood ng TV.

“Syempre kami ni Zia, mga Disney channels ang pinapanood namin. Okay lang naman ‘yun kay Dong. Pero syempre sabay sabay pa rin kaming nanonood at magkakasama kaming tatlo,” hirit ng GMA Primetime Queen.

received_10210985415648485

Nagkakaisa naman ang mga Cignal people na “perfect” sina Dingdong at Marian para maging celebrity endorsers ng Cignal Prepaid.

Natanong din si Dingdong by chance pagkatapos ng presscon tungkol sa bali-balitang tatakbo syang Senator sa 2019 election?

“Ako, I love my family so much. I love my work as an actor and I also value my community work. Siguro ang tanong dyan eh, kailangan ba?

“And I think that’s something I’ll answer by myself alone.”

Leave a comment