Dingdong praises Marian: Grabe ‘yung pasensya n’ya

Saludo si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa pagkakaroon ng mahabang pasensya ng asawa niyang si Marian Rivera.

Ibinahagi ng Descendants of the Sun lead actor na bilib siya sa katangian na ito ng maybahay pagdating sa pag-aalaga hindi lamang sa kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy kundi pati rin sa kanya.

Aniya, “Magkaroon ka ba naman ng mahabang presensiya ‘tapos isang asawang makulit, ay talagang grabe ‘yung pasensiya niya.”

Ayon kay Dingdong, nadiskubre niya ang ugali na ito ni Marian habang naka-quarantine silang pamilya ng ilang buwan. 

Bukod dito, marami rin silang pinagkakaabalahan sa bahay para maging productive ang bawat araw nilang mag-anak.

At isa nga rito ay ang paggigitara at pagtugtog ni Dingdong kung saan kasama pa niya si Zia. 

*****

Naaliw ang maraming netizens nang mapanood ang real-life vlogger na si Benedict Cua bilang kanyang karakter sa GMA series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa ikatlong episode ng special vlogs ng serye na mapapanood online.

Matapos ang apology video ni Ginalyn (Barbie Forteza) at ang reaction vlog ni Caitlyn (Kate Valdez), si Benny (Benedict) naman ay nagbahagi ng tips kung paano nga ba mapapanatiling matatag at healthy ang friendship.

Ayon kay Benny ay dapat maging pamilyar sa tinatawag na ‘love language’ upang maayos na maipahayag ang inyong care at pagmamahal sa kaibigan. 

Ilan lang diyan ay ang pagiging present kapag kailangan ka ng kaibigan mo, pagbibigay ng regalo upang maiparating na espesyal siya sa’yo, paglalaan ng quality time, at pagsasabi ng tunay na saloobin dito. 

Hindi naman mapigilan ng netizens na ikumpara ang paraan ng pagba-vlog ni Benny sa vlogging style ni Benedict na isang sikat na YouTube vlogger sa tunay na buhay.

“Para lang akong nanunuod ng vlog niya. He’s just being himself here,” ani ng isang netizen.

Marami na rin ang hindi makapaghintay na bumalik ang kanilang sinusubaybayang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa telebisyon, “abang-abang sa pagbabalik ng ANWANB. Waiting para kay Benedict!” 

Sa susunod na Lunes (June 22) naman ay mapapanood ang vlog ni Cocoy (Migo Adecer) na pinamagatang “How to Break a Woman’s Heart” kung saan aamin na ito sa tunay na nararamdaman kay Ginalyn na patuloy pa ring lumalayo sa kanya matapos maging dahilan ng hidwaan nila ni Caitlyn.

Mapapanood ang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday special vlogs sa official YouTube at Facebook accounts ng GMA Network.  

Leave a comment