Dingdong Dantes hands food packs, PPEs to military workers at checkpoints

Nakiisa si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa relief effort kasama ang colleagues sa Marine Affiliated Reserve Combat Service Support Batallion (MARCSSBn).

Namahagi sila ng mga food packs na inihanda ng asawang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes, iba pang goodies at mga PPE (Personal Protective Equipment) para sa mga kapwa niya reservist na naka-duty sa mga checkpoint.

Sa kanyang Instagram post, ipinarating ng ‘Descendants of the Sun’ lead star ang kanyang pasasalamat sa mga nagbibigay-serbisyo ngayong naka-community quarantine.

Aniya, “Isang pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng reservists na volunteers at ilang linggo nang naka-deploy sa iba’t ibang lugar sa Luzon para tumulong sa ating mga kababayan.”

Samantala, pansamantalang napapanood ang ‘Encantadia’ kapalit ng ‘Descendants of the Sun’ sa GMA Telebabad.

Leave a comment