Did Bea, Angelica fight over one guy before?

Aminado si Angelica Panganiban na tulad ng ibang magkakaibigan, dumaan sa pagsubok ang kanilang friendship ni Bea Alonzo.

Dala raw ng kakulangan ng maturity nila noon, marami rin silang naging away noon.

“May ill feelings, may mga misunderstandings, may tampuhan, may selosan,” ani Angelica.

Nagkaroon din daw ng pagkakataong nag-iiwasan sila dahil sa inis nila sa isa’t-isa.

“Nangyayari naman iyon sa mga magkakaibigan. Siguro, nangyayari na rin iyon para ma-test iyong friendship ninyo. Kung unbreakable ba iyong bond ninyo,” paliwanag niya.

Iba’t-iba raw ang naging away nila noon pero hindi niya idinetalye kung may kinalaman ito sa mga lalakeng na-link sa kanila.

Matatandaang noong 2016 ay nasangkot si Bea sa hiwalayan nina Angelica at John Lloyd Cruz.

Fresh from her split with Zanjoe Marudo, si Bea naman ay napabalitang playing sweet music with John Lloyd na kapwa nila itinanggi.

Sa ngayon daw, nakatulong daw ang kanilang mga naging karanasan para mag-mature sila at maintindihan at matanggap nila ang isa’t-isa.

“Kapag kasi tapos na kayo sa judgment stage sa isa’t-isa, tapos na rin pagkukubli ninyo sa nararamdaman ninyo, iyong  mga ill feelings ninyo sa isa’t isa, doon nagsisimula ang totoong pagkakaibigan. Doon nagsisimula iyong happiness, iyong hope n’yo para sa isa’t-isa,” paliwanag niya.

Hirit pa niya, na halos pareho sila ng kapalaran ni Bea pagdating sa pag-ibig.

Ito rin daw ang dahilan kaya mas tumatag ang bond nila ng kanyang Unbreakable co-star.

Naging instrumento raw ito para tulungan nilang mag-heal ang isa’t-isa at maka-move on sa kanilang heartbreaks.

Leading man nina Angelica at Bea si Richard Gutierrez sa November movie event na ito na handog ng Star Cinema.

Mula sa direksyon ni Mae Cruz Alviar, kasama rin sa cast sina Ian Veneracion, Rosanna Roces,  Gloria Diaz, Joao Constancia at Anthony Jennings.

 Magbubukas sa mga sinehan sa buong bansa simula sa Nobyembre 27, may international screenings din ito sa Middle East, Papua New Guinea, Estados Unidos, Canada, Saipan, UK, Guam, Dublin, Ireland, Austria, Milan, Rome, Madrid, Brunei, Australia, New Zealand, Singapore at Florence, Italy sa Disyembre.

Leave a comment