Derrick, Sanya highlight “washing machine” scene

Matitindi ang mga maiinit na eksena nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio sa pelikulang Wild and Free na kasalukuyang pinipilihan sa mga sinehan. Isa sa mga eksenang nakakaloka ay ang romansahan nila sa washing machine. Grabe as in nakaka-el daw ito ayon sa mga nakapanood na.

Bukod sa eksena sa washing machine meron din silang love scenes sa kotse, sa kama, sa living room at sa hotel room sa isang resort.

Marami at umaatikabong halikan sila at nag-enjoy naman ang dalawa habang ginagawa nila ito.
Word of mouth nga ang mga daring and titillating scenes ng dalawang star ng pelikula. Ang mga kalalakihan ay inabangan ang alindog ni Sanya habang nag-eenjoy naman ang mga beki sa mala adonis at katakam-takam na katawan ni Derrick.

Sa mga pahayag ni Derrick sa nakaraang presscon ng pelikula ay nasabi niyang tinamaan siya at nasarapan sa mga hot and wild na eksena nila ni Sanya. May ikinuwento pa siyang karanasan niya kung paano siya nakagawa ng wild na bagay sa kaniyang buhay. Aminado naman siya dala na rin ng kaniyang kabataan.

received_173100976906062

Ang Wild and Free ay palabas na sa mga sinehan nationwide mula sa Regal Entertainment at sa direksiyon ni Connie Macatuno. Ito ngang pelikula na ito ang maituturing na pinaka-hot at pinaka-wild na pelikula ng taon. Sa mga nanabik sa sexy movies ay ito ang kasagutan.

Leave a comment