Derrick, Ruru, Enzo team up with new hunk stars in Go! La Union

Perfect sana ngayong summer ang bagong movie na prodyus ng ALV Films sa pakikipagtulungan ng Benchingko Films at Rein Entertainment na  G! LU (Go! La Union). Pero hindi pa ito maipapalabas dahil kasalukuyan pang ginagawa ang sinasabing Barkada movie ng taon.

Kaabang-abang ang pelikula dahil hot na hot ang mga lead actor ng movie na sina Kiko Estrada, David Licauco, Teejay Marquez, Derrick Monasterio, Enzo Pineda at Ruru Madrid. Inaasahan na makikita ang kamachohan at kakisigan ng mga ito.  Kwento nga nila, game na game sila sa kahit anong eksena.

Ngayon palang ay nakaabang na ang mga kababaihan at mga beki sa topless scenes ng mga hunk stars. Sa mga instagram post nga nila, ay kitang-kita at alagang-alaga ang mga katawan nila kahit busy sa trabaho ay name-maintain nila ang kaastigan ng kanilang pangangatawan.

Of course, masusubukan din sa movie ang kanilang mga kakayahan bilang mga aktor, dahil hindi lamang puro pagpapakita ng abs ang pelikula. Makakasama naman  nila sina Michelle Dee, Katarina Rodriguez, Cynthia Thomalla, Chanel Morales, at marami pang iba.

Maganda at nakakabilib ang casting dahil something new naman ito, mga bagong mukha na pinagsama sama. Bilang mas maraming nagawang projects sina Ruru, Derrick, at Enzo, ay magtutulungan sila para alalayan ang ibang co-stars.

Sa direksyon ni Philip King, abangan ang barkada film na lalong magpapainit sa panahon at magugustuhan ng mga kabataan.

Leave a comment