Derrick loves beauty queens; Bea faces ‘Probinsyano’

May nililigawang isang beauty queen ngayon si Derrick Monasterio. Pero ayaw niyang banggitin ang pangalan nito.

“Hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan niya. Basta sa akin na lang kung sino man siya,” sabi ni Derrick.

Hindi pa alam ni Derrick kung kelan siya sasagutin ng beauty queen.

“Date-date lang muna kami. Naka-apat na date na kami. Okey lang kahit hindi pa niya ako sinasagot.”

Wala pa raw regalong binibigay si Derrick sa beauty queen, kahit nililigawan niya ito.

“Ang honest ko, ‘di ba? Hanggang date pa lang talaga kami. Pero siyempre, ako ang taya ‘pag lumalabas kami.”

Kahit hindi pa girlfriend ni Derrick ang beauty queen ay nakaka-holding hands na raw naman niya ito.

“Kahit hindi pa kami, masaya ‘yung heart ko, kasi nakakasama ko siya. At masaya rin ‘yung career ko, masaya ‘yung bank-account, kasi nakakaipon. Masaya rin ‘yung family ko.  In fairness, masaya ako ngayon. ‘Yung buhay ko ngayon, medyo nasa ayos.”

Masaya rin ba ang sex-life niya, kahit wala pa siyang bagong girlfriend?

“Wala nga, eh,” sagot ni Derrick.

“Pero hindi ako naghahanap kasi. ‘Yun ang maganda sa akin. Kahit one year nang wala, okey lang. Promise talaga, hindi ako naghahanap. Hindi naman importante yun (sex), eh. Ang importante ngayon ‘yung work.”

Bago ang panliligaw ni Derick sa naturang beauty queen, ay may nakarelasyon na siyang isang beauty queen, ang tinanghal na Miss Manila 2018.  

Ipinaliwanag ni Derrick kung bakit mahilig siya sa mga beauty queen.

“Ang gusto ko lang sa beauty queen is, meron silang values. Meron silang goals, may ipinaglalaban sila. Kumbaga, may advocacy sila.”

*****

Aminado si Bea Binene na may kaba siyang nararamdaman na itinapat ang serye nilang Beautiful Justice sa serye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsiyano. 

Aware naman kasi siya na lahat ng serye na itinapat sa nasabing seye ng ABS-CBN 2 ay hindi nagtagumpay. Kaya namaalam na agad ang mga ito ere. Hindi natibag sa rating ang FPJ’s Ang Probinsiyano.

Sabi ni Bea, “Parang kahit naman po siguro sinong itapat, parang kakabahan po, ‘di ba?

“Sabi ko nga po sa kanila (GMA 7), sigurado po ba kayo? Pero ano eh, trabaho eh. Ganun naman po talaga. Hind naman po namin call ‘yun.  Nagtitiwala ‘yung network na maganda ‘yung show at magugustuhan ng tao. So magtiwala po tayong lahat,” sabi ni Bea.

Dagdag niya,” Pero ano, siguro, sabi ko nga, sana po hindi nila makita ang Beautiful Justice as something na katapat lang ng Probinsiyano. Sana po kapag napanood nila, bigyan nila kami ng chance ng walang bias. 

“Yung kahit ano lang, first week lang, panoorin lang nila nang wala munang bahid ng anything, dahil maganda ‘yung story. Bigyan po nila ng chance ‘yung story. And very relevant and current din po kasi ‘yung issues na pinapakita at tinatalakay sa show.”

Nakausap namin si Bea sa solo presscon na inorganisa ni Sir Louie Gamboa bilang suporta nila sa dalaga para sa Beautiful Justice, since ito ang kanilang newest endorser ng Erase Placenta.

Leave a comment