Dennis Padilla now allows daughter Julia Barretto to change her surname

by  PSR News Bureau

dennis-padilla Kinumpirma ni Dennis Padilla sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na iniurong na nga niya ang reklamong ‘motion to intervene’ sa naging petisyon ng anak na si Julia na tuluyan nang alisin nito ang surname niyang Baldivia na tunay na apelyido ni Dennis.

“Matagal ko naman ng sinasabi na kung saan magiging masaya ang anak ko, doon na rin ako. So pumapayag na ako na magpalit siya ng apleyido kung yun ang makakapagpaligaya sa kanya,” bungad ni Dennis.

“Before her debut, sinabi na sa akin ni Julia na iwi-withdraw niya yung petition na tanggalin yung family name ko. That was in March. After six months, wala namang nangyari, so ako na lang ang nagwithdraw. Kasi manalo man ako, she’s 18 na. She can remove it pa rin because she’s now of legal age. She can do whatever she wants including yung pagtanggal sa apelyido ko.”

den 3Kaya nga sa manifestation daw niya, sinabi niyang binibigyan niya ng kalayaan si Julia na gamitin kung ano ang family name na gusto nitong gamitin dahil adult na ito. “Kaya lang naman ako nag-oppose noon kasi minor siya. When it was filed, she was only 16. So ang ongoing case ko ngayon is yung kay Claudia [ikalawang anak nila ni Marjorie], kasi 16 pa lang siya at yung kay Leon [bunsong anak nila].”

“I heard na idi-dismiss na rin yung case ni Claudia. Ang gusto ko lang mahabol is yung copy ng dismissal para maipakita ko sa Everest International School, yung proof na naibalik na yung paggamit ng Baldivia sa apelyido ni Claudia. Kasi ang alam ko right now, they’ve all changed their family names to Barretto. Alam ko, kasi although hindi ako invited sa graduation ni Claudia sa school noon, I had a friend na yung anak doon nag-aaral. Sabi sa akin, ‘Dennis, baka gusto mong pumunta, graduation na ng anak mo.’ So I went there, but after kong malaman that she’s using her mother’s surname, hindi ko na rin tinapos [graduation], I left na rin because it would hurt me more to hear her name called without using my surname.”

Dennis-Padilla-1Hindi man maayos ang relasyon ni Dennis ngayon sa mga anak niya, kahit naman papaano’y nagpapanumbalik ang sigla ng kanyang karera. May regular na teleserye ito, yung ‘Ang Probinsiyano’ ni Coco Martin na kasalukuyang umeere sa ABS-CBN. Napapanood din siya araw-araw sa ‘Deal or No Deal,’ habang tuwing Sabado naman ay makikita siya sa Celebrity Playtime ni Billy Crawford at mayroon pa siyang isang bagong proyekto, yung pelikulang ‘Maria Labo’ na ipapalabas na sa November 11 kung saan kabituin niya sina Jestoni Alarcon, Sam Pinto, Baron Geisler, Rez Cortez, Rey ‘PJ’ Abellana, Mon Confiado at marami pang iba.
Hangad ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na nawa’y maging maayos rin ang lahat sa pagitan ni Dennis at ng kanyang mga anak sa tamang panahon.

Leave a comment