Denise Laurel wins Your Face Sounds Familiar Season 2

by PSR News Bureau

d01b1511dHindi matatawaran ang husay sa performance ni Denise Laurel dahil nahasa ito sa teatro. Pero ayon sa aktres, nahirapan din daw siya at na-challenge sa mga ipinagawa sa kanyang panggagaya ng iba’t-ibang personalidad sa katatapos lamang na Your Face Sounds Familiar Season 2 kung saan napanalunan niya ang Grand Prize sa kanyang sterling na performance bilang si Beyonce Knowles.

Maging siya ay nagulat nang siya ang manalo, hindi raw niya inaasahan na siya ang makakakuha ng pinakamataas na boto sa Grand Finals ng nasabing show na ginanap nitong Linggo, December 13, sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Nakakuha si Denise ng 27.51 percent para sa kanyang impersonation kay Beyonce noong performance night noong Sabado, December 12.

Ang hits ni Beyonce na “Crazy In Love” at “Love On Top” ang kanyang winning performances. Nagkamit si Denizen g P2 Million pesos. Kalahati sa kanyang napanalunan ay ido-donate ni Denise sa Caritas Manila na kanyang napiling charity.

yfsf

Si Michael Pangilinan ay nagtapos bilang second place dahil 23.87 percent ng mga boto ang nakuha niya para sa kanyang impersonation kay Adam Levine, ang vocalist ng American band na Maroon 5.

Pangatlo naman si Sam Concepcion na nakakuha ng 20.57 percent ng boto sa kanyang paggaya kay Justin Bieber.

Nasa pang-apat na pwesto si KZ Tandingan na bilang si Lady Gaga, habang nasa ikalimang pwesto si Kian Cipriano na kinopya si Ricky Martin.

Masayang-masaya si Denise sa kanyang pagkapanalo at inialay daw niya ito sa kanyang pinakamamahal na anak. Hangad din ni Denise na makatulong ng malaki sa Caritas Manila ang halaga na kanyang maibabahagi sa naturang tanggapan.

Leave a comment