David Licauco fulfills dream of becoming a lead actor in “Because I Love You”

Maganda ang katawan ng newbie actor na si David Licauco subalit ayaw n’yang matawag na sex symbol. Mas gusto n’yang makilala bilang isang actor. Ngunit kahit anong gawin n’ya ay pagpapantasyahan s’ya ng mga kababaihan at ng sangkabaklaan.

Thankful si David sa ibinigay na opportunity ng ALV Films ni Arnold Vegafria dahil never niyang na-imagine na darating ang time na maglelead s’ya sa isang pelikula. Isang romantic comedy ang pagbibidahan n’ya titled “Because I Love You.”

“Nagsimula kasi ako sa mga supporting roles, then, nabigyan ng chance sa mga teleseryes so it’s actually a big leap in my career,” kwento ni David.

Isa rin si David sa mga baguhang artista ngayon na may malaking audience sa social media dahil sa kanyang mga pinopost, lalo na ang pagpapakita n’ya ng kanyang magandang katawan.

Chinito ang peg n’ya so kapag may role na chinito ay mabilis maiisip ang kanyang pangalan to portray the role. Gusto kasi ng newbie actor na mas mahasa pa s’ya sa pag arte. Ayaw n’ya kasi na katawan lamang ang kanyang bentahe. Dahil may ibubuga pa s’ya sa acting.

Noong una raw ay naco-conscious pa s’ya kapag pinupuri ang kanyang katawan ngunit later on ay tinitingnan n’ya ito as compliment.

Ang pelikulang “Because I Love You” ay base sa Wattpad story na isinulat ni Charlotte Dianco at idinirehe ni Joel Lamangan. Nakakatuwa rin dahil pinasok na ni Arnold ang pagpo-produce ng pelikula. Katuwang n’ya ang Garahe at Regal sa pelikulang ito.

For sure maraming millennials na manonood nito dahil naging trend noon ang pagbabasa ng wattpad. Maraming kinilig at natuwa sa kwento, ano pa kaya kapag nasa big screen na.

Katambal ni David si Shaira Diaz. Kwento ng binata na masarap kasama si Shaira. Wala raw silang dull moment. Dagdag pa n’ya, nakatulong din daw na pareho sila ng manager.

Kasama rin sa cast sina Martin del Rosario at Michelle Dee, (anak ni Melanie Marquez) in special roles.

Nasa supporting cast din sina Samantha Lopez, Timothy Lawrence Yap, Monsour del  Rosario, Bernadette Allyson, Jao Mapa, Victor Basa, IC Mendoza, Mosang, Afi Africa at marami pang iba.

Showing na sa June 26 in cinemas nationwide.

Leave a comment