David Licauco doesn’t want to be remembered as sex symbol

Para sa Kapuso actor na si David Licauco, never niyang na-imagine na darating ang panahon na magbibida siya sa isang pelikula  kaya naman very thankful siya sa ALV Films dahil nabigyan siya ng pagkakataong matupad ang pangarap niya sa romcom na  “Because I Love You.”

“Nagsimula kasi ako sa mga supporting roles, then, nabigyan ng chance sa mga teleseryes so it’s actually a big leap in my career,” sey ni David.

Dahil sa kanyang good chinito looks at well-toned abs, madami ang nabihag ng kanyang kakisigan kaya naman naging patok na pag-usapan siya sa social media.

Katunayan, naging pantasya siya ng mga kababaihan at maging mga beki.

Gayunpaman, kahit idinidisplay niya ang kanyang maskuladong katawan, ayaw daw isipin ni David na isa siyang sex symbol.

“More than anything else, mas gusto kong makilala bilang actor,” aniya.

Pero hindi raw niya minamasama kung may humahanga man sa kanyang physique.

“Actually, noong una, naaasiwa ako. Nako-conscious ako,” sey niya.

“Pero nakatulong marahil na nanggaling ako sa pageant, kaya, more or less, nasanay na ako. Now, kung may humahanga man, I take it as a compliment,” dugtong niya.

Sey pa niya, gusto raw niyang makilala hindi lang sa kanyang tikas kundi sa kanyang talento.

“I would like to prove na I could do more. More than the looks or porma, I have something to offer in terms of talent,” paliwanag niya.

Happy din si David dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang kapuwa niya Kapusong si Shaira Diaz bilang leading lady sa nasabing pelikula.

“Masarap na kasama si Shaira. With her, wala kaming dull moment. Nagsusuportahan kami sa isa’t-isa. Siguro, nakatulong din na pareho kami ng manager, so alam na namin kung paano iha-handle ang isa’t-isa… and doing the movie is quite fun with her,” kuwento niya.

Si David, na isang professional model at actor, ay tinanghal na Mr. Chinatown 1st Runner Up noong 2014.

First time niyang magpapakilig sa pelikulang “Because I Love You” na base sa Wattpad story na. isinulat ni Charlotte Dianco at idinirehe ni Joel Lamangan.

Kasama rin sa cast sina Martin del Rosario at Michelle Dee, (anak ni Melanie Marquez) in special roles.

Mula sa ALV Films, Garahe at Regal Entertainment, palabas na ang “Because I Love You”  sa Hunyo 12 sa lahat ng mga sinehan.

Nasa supporting cast din sina Samantha Lopez, Timothy Lawrence Yap, Monsour del  Rosario, Bernadette Allyson, Jao Mapa, Victor Basa, IC Mendoza, Mosang, Afi Africa at marami pang iba.

Leave a comment