Dapat pang-film festival—Arron Villaflor agrees doing frontal nudity

Nu’ng Sabado, February 16, ay nag-renew ng kontrata si Arron Villaflor bilang Brand Ambassador/endorser ng Prestige International, na ang CEO ay si Mr. Mannix Carancho.

Sabay niyang pumirma ng kontrata ang transgender na si Iyah Mina, bilang karagdagang endorser ng nasabing skin care products.

“Second year ko na sa kanila. I’m very thankful and happy na part ako again ng Prestige Internatioanal. Nagpapasalamat ako kay Sir Mannyx sa pagtitiwala niya na kinuha niya ako as one of his endorsers,” sabi ni Arron.

Natutuwa si Arron na kasama niya na sa Prestige International family si Iyah, na naging kapareha niya sa indie film na Mamu and A Mother Too.

“Napansin kasi nila ‘yung trabaho namin sa Mamu and A Mother Too.  And I guess si Sir Mannix decided to put as together on one endorsement. So parang loveteam ulit kami rito (Presgtige International),”natatawang sabi pa ni Arron.

Ang isa sa product ng Prestige International ay ang luxury kojic soap, na paboritong gamitin ni Arron.

“Kapag ginagamit ko kasi ‘yun, nagla-lighten ‘yung mga dark spots ko sa binti. Sobrang effective talaga ng sabon na yun.”

Wala pang female endorser ang Prestige International.  Pero ayon sa PR at Marketing Consultant nito ay magkakaroon din sila.

“Siguro second quarter ng taon, magkakaroon na kami ng babaeng endorser. Actually, hindi pa puwedeng sabihin, pero from ABS-CBN 2,” sabi ng PR ng Prestige.

Samantala, tinanong namin si Arron na kung sakaling may offer sa kanya na pelikula na may frontal nudity siya, ay tatanggapin ba niya? Ang sagot niya, “If it’s a good story, why not? At dapat magaling din ang direktor.”

Sa tanong naman namin na kung okey lang din ba sa kanya ang kissing scene sa kapwa niya aktor, ang sagot niya ay, “Gaya pa rin ng sabi ko, if it’s a good story, why not?  Kukuhanin ko ‘yan. Pero dapat, pang-film festival ‘yung movie.”

Sino ba sa mga kasamahan niyang aktor sa Kapamilya network, like John Lloyd Cruz or Piolo Pascual, ang gusto niyang maka-kissing scene?

“Sa akin naman, whoever is professional to do that, okey lang sa akin,” sagot niya.

Leave a comment