Daniel confirms: “My family loves Erich!”

By PSR News Bureau

erichdaniel-030215

Aminado si Daniel Matsunaga na nairita ito sa lumabas na balitang ‘sugar mommy’ daw niya ang girlfriend na si Erich Gonzales. “Hindi po totoo. Wala pong katotohanan iyon,” bungad ni Daniel sa Philippine Showbiz Republic (PSR) nang makapanayam namin sila ng kanyang kapatid na si Vanessa.

Untitled-1

Ayon kasi sa mga bali-balita ay sobrang generous daw ni Erich sa pamilya Matsunaga na parang ‘binibili’ na umano nito ang pag-ibig ng guwapong binata. Pinabulaanan ito ni Daniel. Aniya,“I don’t know where they got those things. It’s all fake. They have no any other issue to talk about. They have no credible source in order to prove something. They’re trying to invent something to put us down.”

“We’re not for sale noh. Love is for free. As long as my brother’s happy, we’re good,” pakli naman ng nakatatandang kapatid ni Daniel na si Vanessa.

Si Erich nga lang daw ang naging girlfriend ni Daniel na tanggap ng buong Matsunaga family. “Yeah, siya [Erich] lang ang nakasundo ng family namin,” dagdag pa ni Vanessa.

In fact, sa September nga ay balak nina Erich at Vanessa na sabay na mag-celebrate ng kanilang birthdays. “We’re looking forward to it. We already consider her [Erich] part of the Matsunaga family,” pagmamalaki pa ni Vanessa.

Binigyan pa kami ng assurance ni Daniel na hindi magtatagumpay yung mga taong naninira at pilit silang winawasak ni Erich. “We simply ignore them. That’s the best thing to do. I’m sorry but no matter what they do, nothing can separate me and my Spartan baby [Erich].”

Mapapanood at magpapakitang gilas sa pagsayaw at pag-awit si Daniel sa isang back-to-back-to-back triple-threat concert na may pamagat na “Dreamboys” kasama sina Matteo Guidicelli at JC De Vera sa darating na July 11 sa Music Museum.

Leave a comment