‘Cuddle Weather’ star Sue Ramirez pegs Julia Roberts

Mapangahas at kakaibang Sue Ramirez ang mapapanood sa pelikulang Cuddle Weather ni Rod Marmol na kalahok sa ikatlong edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

“I  play the role of a prostitute. Isa siyang beteranang sex worker. Siya iyong magtuturo kay RK sa iba’t-ibang tricks of the trade,” aniya.

“Tapos, na-develop iyong mentor-mentee type of relationship namin which will maybe, eventually lead into something. Ako dito yung experienced, ako yung nagtuturo sa kanya kung paano siya makikihalubilo sa mga kliyente niya,” dugtong niya.

Sey niya, ito raw ang pinakamapangahas na role na nagawa niya.

Paliwanag pa niya, hindi raw naman bastos ang pelikula dahil makabuluhan daw naman ito at matino naman ang kanilang director.

Esplika pa niya, tinanggap niya ang role dahil gusto niyang mag-grow as an artist.

“I want to be a versatile na whatever you give, I can do. Pini-peg namin ito sa Pretty Woman ni Julia Roberts. Di ba, she was a prostitute in Pretty Woman but no one ever saw her like malandi, sexy star. So, that’s what we want to do, for me, sa career ko,” pahayag niya.

Tungkol naman sa kanyang role bilang prostitute na bulgar ang kilos at pananalita at walang inhibitions sa katawan, aminado naman siyang hindi siya nahirapang mag-adjust dahil lumaki siyang bargas.

Bukod sa hindi talaga siya nagbra-bra, hindi rin big deal sa kanya ang magsalita tungkol sa private parts (kantot, puke o titi) dahil hindi raw naman ito bastos o malaswa depende na lang sa konteskto at pagkakaintindi ng tao.

Aminado rin kasi siyang nakakita at nakahawak na siya ng ari ng lalake.

“Actually, noong nag-aaral ako, ang Daddy ko nagkasakit when I was six years old. He passed away when I was 17. So it was a long 11 years of having a paralyzed father in your household. Noong na-stroke siya, my dad used to have seizures. Kapag wumewewe siya, ako ang tumutulong sa kanya dahil ako ang nagbabantay. Kaya siguro, mas maaga akong namulat, mas nakikita ko kasi iyon nga. Sabi ko nga, hindi na siya malaking isyu for me. I see it in a different way. It’s a challenge for me but it has made me who I am now,” paliwanag niya.

Hirit pa niya, hindi raw naman ibig sabihin na kakaiba ang role niya ay mag-iiba na rin siya o magiging sexy ang image niya.

“Binubuksan namin yung utak ng mga tao to embrace na not because she did this, this is what she’s going to do all the time. At least, nakikita ng mga tao kung ano yung kaya kong i-offer.We’re not going on a straight path as much as we can. We want to venture into a lot of different types of roles and characters na magagawa ko pa in the future.’Yung imaging na sinasabi, hindi na, eh. Gawin mo lahat ng kaya mong gawin kasi whole different acting experience siya, eh. Hindi lang siya, ‘Ay, baka isipin ng mga tao na ganito ako,’ hindi siya ganu’n for me. So I don’t really care what people think of me,” pagtatapos niya. 

Ang Cuddle Weather ay iprinudyus ng Regal Entertainment at ng Project 8 San Joaquin at idinirehe ng hugot writer at director na si Rod Marmol.

Kalahok ito sa Pista ng Pelikulang Pilipino at mapapanood sa buong bansa simula sa Setyembre 13.

Leave a comment