Cristine Reyes executes fight scenes without doubles

Napanood namin ang action film na “Maria” sa special advanced screening nito na ginanap kagabi sa UP Cine Adarna, UP Diliman, QC. Bida rito si Cristine Reyes, bilang isang assassin.

In fairness, ang husay ni Cristine sa mga fight scenes niya, huh! Ang liksi niyang kumilos. 

Hindi mo iisipin na first time niya lang gumawa ng action film, at kaya niya pala ang mag-action, dahil kilala siya bilang isang dramatic actress.

Sa presscon ng pelikula, sinabi ni Cristine na nu’ng una pa lang daw na sinabi sa kanya ng Viva na gagawa siya ng action film ay sobra na raw siyang na-excite. 

Kaya naman sa mga action scene na ginawa niya, ay hindi raw siya natakot na baka masaktan siya.

“Hindi ako natakot. Actually, every action scene na ginawa namin, I’m so energized. I’m so excited to do it. I don’t get tired,” sabi ni Cristine.

Matinding training ang pinagdaanan ni Cristine para sa kanyang papel. Sa kanyang Instagram story, pinakita niya ang mga pasa sa braso at binti na nakuha niya sa isang fight scene. Gayunpaman, walang anumang reklamo ang nakababatang kapatid ni Ara Mina.

Sa “Maria” ay puro action lang ang ginawa ni Cristine. Wala siya ritong sexy scenes, hindi gaya sa mga naunang pelikulang ginawa niya.

“I can say naman na hindi ko kailangang magpa-sexy para tangkilikin ‘yung project. Kasi ‘yung buong pelikula ‘yung dapat na tingnan. And at the same time, I’m sexy, so, ano’ng kailangang gawin?”

Showing na ang “Maria” sa March 27. 

Kasama rin sa pelikula sina Ivan Padilla, KC Montero, Guji Lorenzana, Jennifer Lee, Andrea del Rosario, Cindy Miranda, Freddie Webb at Ronnie Lazaro. 

Mula ito sa direksyon ni Pedring Lopez, at mula sa joint venture ng Viva Films, BlackOps Studios Asia, at PsyOps.

Samantala, puring-puri naman ni direk Pedring si Cristine. 

Sabi niya, “Cristine handles the fights with almost 90% of all her stunts without doubles.”

Leave a comment