Cris, Miguel team up for ‘MPK’

Tunghayan natin ang nakakatuwa, nakakaiyak at totoong kuwento ni Jeremy at ng kanyang daddy Pepito na gagampanan nina Cris Villanueva at Miguel Tanfelix ngayong Sabado sa ‘Magpakailanman.’

Kung minsan, masakit mang tanggapin, ang mga taong inaasahan nating mag-aaruga sa atin ay sila pang tumatalikod sa kanilang mga tungkulin.

Sa kabilang dako, nariyan din ang mga taong hindi natin kadugo ngunit handang kupkupin at mahalin tayo na walang hinihinging kapalit.

Maayos ang pamumuhay nila Jeremy noon hanggang sa subukin sila ng isang trahedya dahil sa pagkakasakit ng kanyang ina na nagdulot ng pagkamatay nito. Di nagtagal natuon ang atensyon ng kanilang ama sa bagong kinakasama hanggang sa tuluyan na silang napabayaan.

Bata pa noon si Jeremy nang iwan sila ng ama sa isang hotel. Nagpaalam ito na may gagawin lang sa labas ngunit ‘di na bumalik.

Dahil nasa murang edad pa lang, hindi halos malaman ni Jeremy kung ano nang mangyayari sa kanilang magkakapatid.

Ngunit sabi nga, “Love comes from the most unexpected people”. Ang pagmamahal at pag-aaruga na ipinagdamot ng sariling pamilya kay Jeremy ay ‘di nya inaakalang makukuha nya sa isang taong inampon sya at hindi tinuring na iba.

Tunghayan natin ang nakakatuwa, nakakaiyak at totoong kuwento nina Jeremy at kanyang daddy Pepito na gagampanan nina Cris Villanueva at Miguel Tanfelix.

Makakasama pa sina Mel Martinez, Leandro Baldemor, Jude De Jesus, Kyle Ocampo, Mara Alberto, Nicole Donesa, Prince Villanueva, Joshua Jacobe, at Ranty Portento.

Ang episode na “Ang Pagmamahal ng Isang Amang…Beki! The Jeremy Sabido Story” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Neal Del Rosario, mula sa panulat ni Jessie Villabrille at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos. 

Leave a comment