Connie remains calm during rude interview with Dick; Bianca stays prayerful during quarantine

FEELENNIAL / Column

Marami ang bumilib sa ipinakitang professionalism ng GMA News anchor na si Connie Sison sa naging live interview niya with a high ranking government official na napanood last Tuesday sa Unang Hirit.

Kahit kasi tila tumataas na ang boses ng nasabing opisyal, magalang pa rin si Connie at poised sa pag-handle ng nasabing sitwasyon.

Marami nga sa mga manonood ang nagpahayag sa social media ng kanilang pagsaludo kay Connie dahil pinatunayan niya lang kung ano ang dapat ginagawa ng mga mamamahayag—ang manatiling objective at tanungin ang mga nais ding itanong ng publiko kahit minsan ay tila nababalingan sila ng init ng ulo ng kausap nila.

Hindi nga raw ito madali lalo na sa mga panahon ngayon. Kaya naman, “lodi” raw na maituturing si Connie.

*****

Sa interview ng 24 Oras, naikuwento ng ‘Kambal, Karibal’ stars na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang mga bago nilang natutunan habang naka-quarantine.

Ayon kay Bianca, naging coping mechanism niya ang pagdadasal.

Aniya, “Number one is having faith, ‘yung pagdadasal, ‘yun talaga ang one of my, well actually, number one way of coping.”

Bukod dito, natuto rin siyang mag-meditate.

“I’ve learned to meditate and I’m still learning. I have never thought na mae-enjoy ko siya. It’s as simple as just closing your eyes and thinking of nothing.”

Samantala, natutunan naman ni Miguel kung paano mag-play ng cello, “I learned how to play cello. ‘Yun ‘yung bago kong pinagkakaabalahan ngayon,” saad ng aktor.

Pansamantalang napapanood ang ‘Kambal, Karibal’ kapalit ng ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ sa timeslot nito sa GMA Telebabad.

Leave a comment