Comedian-producer Michael Angelo finds good friend in Dingdong Dantes

Very moving, inspiring, Michael Angelo reveals he’s writing some of the speeches of politicians. And if actor Dingdong Dantes is running, marahil sya rin ang gagawa ng speeches, dahil kung hindi alam ng lahat, matalik na magkaibigan ang dalawa.

Nagsimulang makilala ng komedyante/producer si Dingdong sa seryeng “Pari ‘Koy.” Ito ang serye sa Kapuso network na pinagbidahan ni Dong sa direksyon ng yumaong direktor Maryo J. de los Reyes. Natutuwa sya dahil naging mabuti ang pagtrato sa kanya ng Kapuso Primetime King na naging dahilan ng maganda nilang pagkakaibigan.

Puro papuri sya sa aktor at sinabing malaki ang chance ng mister ni Marian Rivera kung papasukin nito ang mundo ng politics. Mag-declare lang daw si Dong at siguradong makakapasok sa magic 12. Kayang kaya raw ng dramatic actor ang pagiging senador.

“Honestly, napag-uusapan namin ni Dingdong ‘yan. In fact, hindi naman lingid sa kaalaman n’yo na pumasok ho siya sa survey.

“In fact, biniro ko siya na mag-declare ka lang, pasok ka sa Magic 12, but sabi ko sa kaniya, running for public office is always a discernment of the heart. Is your life really leading towards that?

“So sabi ko kay Dingdong, ‘Kung ano man ang maging desisyon mo in the near future at the end of the day it’s between you and your God. So search for the heart, darating naman yan eh. Ako kasi naniniwala ako pag diyan ka, diyan ka.”

Dahil din sa seryeng ‘yun, mas nakilala ng mga tao si Michael Angelo. At ngayon nga ay namamayagpag ang career sa public speaking. Maganda rin ang career nya bilang host ng sarili nyang show na #MichaelAngelo: The Sitcom na ipapalabas na ang bagong season sa January 27 sa GMA News TV. Dahil sa kanyang kahusayan at dedikasyon, ika-13th season na ng kanyang show.

Plano rin nya na magkaroon ng game show na sya rin mismo ang host. Right timing ang kanyang inaantay. Ang mahalaga raw para sa kanya ay ang makapag create ng maraming opportunities para sa mga manggagawang Pilipino. May gagawin din syang Lenten Drama Special na isasama nya ang mga original cast mula sa kanyang show.

Hindi pagsikat ang kanyang main goal kung bakit pinasok ang entertainment industry. Gusto nyang maka-inspire ng maraming tao bilang isang aktor, producer, at businessman.

Catch #MichaelAngelo: The Sitcom (Season 13) this January 27 on GMA News TV.

Leave a comment