Coco Martin works with Angelica Panganiban for the first time

Sa unang pagkakataon, ay nagkatrabaho at nagtambal sina Coco Martin at Angelica Panganiban via Love Or Money, mula sa Star Cinema at sa direksyon ni Mae Cruz Alviar.

Natutuwa ang una na nakatrabaho niya na ang huli. Noon pa kasi ay pangarap niya nang makatrabaho si Angelica.

Sabi ni Coco sa isang interview niya tungkol kay Angelica, “Alam naman natin na isa si Angge sa pinakamagagaling na artista sa Pilipinas. Nu’ng tinanong ako ng Star Cinema, sino ‘yung mga gusto kong makatrabaho kasi matagal-tagal na rin akong hindi gumagawa sa kanila, sabi ko talaga, ang gusto kong makatrabaho, si Angge.”

Patuloy niya, “Una, halos lahat kasi ng pelikula niya, either indie or mainstream, lahat kumita, lahat maganda. Kumbaga, kung may pangarap kang makatrabaho, isa talaga ru’n si Angge.”

Nang kunin naman ang reaksyon ni Angelica  sa sinabing ‘yun ni Coco, ang ssbi niya, “So speechless! Actually, gusto ko muna sanang magpahinga (sa paggawa ng pelikula). Kasi katatapos ko lang din ng movie with Direk Mae. Kaya lang, nu’ng malaman ko na gusto akong makatrabaho ni Coco, parang paano ka naman hihindi? Kahit gusto mong magpahinga, biglang tumaas ang energy mo. Ha? Totoo ba,” ang natatawang sabi pa ni Angelica.

Showing na sa March 12 ang Love or Money. Mabibili ang ticket sa KTX.ph, iWant TFC, TFC IPTV, Cignal PPV at Sky Cable PPV.

Leave a comment