Coco Martin, Maine Mendoza attend same family reunion

Sobrang bilib ang Kapamilya Primetime King na si Coco Martin kay Maine Mendoza na kapareha niya sa pelikulang “Jack em Popoy: The Puliscredibles” na kalahok sa ika-44 na edisyon ng Metro Manila Film Festival.

Katunayan, naa-appreciate niya ang kasimplehan nito sa kabila ng tagumpay na tinatamasa sa buhay.

“Si Maine kasi, parang hindi kami first time magkatrabaho. Madali kaming nagkapalagayan ng loob,” hirit niya. “Napa-kasimple niyang tao. Alam ko kung bakit siya mahal na mahal ng mga tao, ng mga fans niya, dahil napakatotoo niya, napakasimple. Walang pretensions, hindi siya nag-pe-pretend. Wala siyang kaarte-arte,” dugtong pa niya.

Nakita rin daw niya ang dedikasyon nito sa trabaho lalo sa mga eksena nang aksyon kung saan sila magkasama.

“Sabi ko sa sarili ko, ang sarap makasama nitong tao na ‘to, kasi first time ninyong magka-work, pero alam mo iyong…siguro dahil mas nauna ako sa kanya, iyong trust… ‘Pag sa action, hindi nga maiilang na turuan siya, i-guide siya, kasi siya mismo… Thankful. Ang sarap sa pakiramdam na alam mong naa-appreciate niya iyong ginagawa mo para sa kanya,”pagbabahagi niya.

Bagamat marami ang nakakapansin na bagay sila at may mga faney na nagsasabing puwede silang maging loveteam, never daw sumagi sa isip ni Coco na ligawan ang Dubsmash Queen.

“Actually, magkamag-anak kami ni Maine. Nagkita kami sa reunion noon ng family. Sinabi niya sa akin na magkamag-anak nga kami. Tinanong ko ang lola ko at sinabi naman niyang malayo kaming magkamag-anak,” hirit niya.

Malaking factor din daw na parang pamilya ang naging turingan nila sa set kaya nag-work ang kanilang collaboration.
“Si Bossing Vic at si Maine, napakabait nila, napakasarap kasama. Natutuwa ako, kasi winelcome nila ako na parang Kapamilya kahit magkaiba kami ng networks,” pagtatapos niya.

Papel ng mga pulis ang roles nina Coco, Vic at Maine sa Jack Em Popoy kung saan sanib-puwersa sila sa pagpuksa ng krimen sa kanilang komunidad.

Leave a comment