Clique V ends Feb with exciting concert

Inaabangan na bukas, February 27 ang gabi ng paandar ng Clique V para  sa kanilang first major concert sa Music Museum.

Hindi makapaniwala ang Clique V sa  mahusay na pagma-manage ng 3:16 Events & Talent Management sa kanila. Pagkatapos ng launching ng kanilang album, isinabak naman sila sa concert.

“They are very hard working at talagang seryoso sila sa kanilang mga ginagawa. Makikita mo sa kanila yung dedication to succeed,” pahayag ng kanilang manager  at Presidente ng 3:16 Events na si Len Carillo.

Ganadong tulungan at i-build up ni Ma’am Len ang Clique V dahil seryoso ang mga bagets sa ginagawa nila. Masisipag raw mag-rehearse at disiplinado.

clique-v-2

Kahit love life  ay isinakripisyo nila para mag-focus sa career nila. Ang mga babae raw ay nandiyan lang naman pero gusto muna nilang sunggaban ang opportunity na dumating.

Maraming pasabog sa  Clique V Live! Concert. Inaabangan na ang ala Magic Mike na production number ni Sean sa Viva Hot Babe na si Sheree. Kakanta  rin ng solo sina Marco, Rocky at Clay. May paandar din sa dance floor sina Tim, Josh at Karl.

Sigurado ring maririnig ang mga kanta nila sa kanilang mga album gaya ng “Pwede Ba, Teka Muna,” “Ako Na Lang Sana,” “Bakit Hindi,” “Magmula Ngayon,” “Mabuti Na Lang” at “Sana Naman.”

clique-v-poster

Special guests sina Rita Daniela, Marion Aunor, Arny Ross, Hannah Precillas, Sexbomb Mia, Cheche at Aira. Kasama rin ang Sexbomb New Gen at Philippine Island Assasin Dancers. Ito ay sa direksyon ni Joven Tan.

 

Leave a comment