Clique V, Belladonnas join StarStruck audition

Clique V and Belladonnas with talent manager Len Carillo

Kahit naharap sa mga pagsubok ang 3:16 Events and Talents Company na pinamamahalaan ng mabait na businesswoman turned manager na si Len Carrillo, hindi pa rind daw titigil ang kanyang kumpanya sa pagtuklas ng mga bagong talents.

Hirit pa niya, kahit may mga naging pasaway, hindi raw naman dahilan iyon para ma-discourage na siya sa pagtulong sa mga kabataang matupad ang kanilang mga pangarap.

Katunayan, happy siya dahil lumalaki ang pool of talents niya. 

Aware rin si Len na very competitive ang mga boy at girl groups ngayon na pumapasok sa singing at dancing pero patuloy daw naman, nakaka-survive ang kanyang talent management agency.

Dagdag pa niya, tanggap daw niya na isang grupo o sa isang banda, merong aalis at magpapaalam.

Handa raw naman siya kung sakaling magkahiwa-hiwalay ang binuo niyang grupo.

“I’ll be happy for them pag ganoon sila kapag may mapupuntahan sila at may bigger at magandang opportunity, i-a-allow ko sila. No hard feelings for me. Tinayo ko ito hindi para hawakan sila o pigilin ang pag-grow. Gusto kong makatulong sa mga kabataan, kasi naniniwala ako sa talents nila. So, sayang naman,” aniya.

“Hindi lang naman ito ang bread and butter ko. Hindi naman ako nag-e-expect in return, come what may,” dugtong niya.

Paliwanag pa niya, may blessings daw niya ang pag-aaudition ng Clique V at Belladonnas sa StarStruck, ang number one talent reality search show ng GMA-7.

Kung sakali raw na may mapapasok sa mga talents niya sa nasabing show bilang finalists, wala raw naman siyang pagtutol.

“It will be a co-management,” sey niya.

Pinabulaanan din niya na hindi mabubuwag ang Clique 5 at Belladonas kung sakaling maging Kapuso na ang ilan niyang artists.

“Inihanda ko na ang sarili ko. Pag may aalis naman, may papalit. So, nandoon pa rin iyong grupo. Magdi-discover kami ng mga bagong talents,” pagwawakas niya.

All set na ang Clique V at Belladonnas sa kanilang back-to-back concert na “This Is Me” ay gaganapin sa  SM North  Skydome sa Pebrero 23. 

Special guest performers nila ang Hashtag members na sina Charles Kieron at Zeus Collins, kasama sina Ana Ramsey at  Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

Magpe-perform din dito ang Holynotes Band, Philippine Island Assassin at Team Rapa.

Hindi lang sing and dance galore ang nasabing concert dahil siguradong makikipagkabugan sila sa kanilang mga featured special guests sa kanilang production numbers.

Leave a comment