Christopher de Leon tests negative for covid-19; wife says perfect gift for their 40th anniversary

“All worth the long wait😊 All Glory to GOD❣️ Bo de Leon

Psalm 40:1-3

“I waited patiently for the Lord;

he turned to me and heard my cry.

He lifted me out of the slimy pit,

out of the mud and mire;

he set my feet on a rock

and gave me a firm place to stand.

“He put a new song in my mouth,

a hymn of praise to our God.

Many will see and fear the Lord

and put their trust in him.”

Ito ang kabuuang post ng aktres na si Sandy Andolong sa Facebook account niya kahapon ng hapon, April 13, isang araw makalipas ang Easter Sunday.

Kasama ng FB post ng aktres ang litrato ng medical certificate o test result na nagpapatunay na cleared na mula sa COVID-19 ang kanyang mister na si Christopher de Leon.

Noong March 17, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay ipinahayag ng Drama King of Philippine Movies na positibo siya sa COVID-19.

Agad na na-confine sa ospital si Christopher upang mabigyan ng karampatang lunas mula sa naturang sakit na isang worldwide pandemic.

March 26 ay lumabas na sa ospital ang aktor dahil maayos na ang kalagayan nito, halos wala ng anumang sintomas ng sakit kaya sa bahay na ito magpapatuloy ng pagpapagaling at pagbawi ng lakas at kalusugan.

March 27, lumabas ang test result ni Sandy at negatibo ito sa mapanganib at nakahahawang sakit.

Napakagandang regalo ito sa mag-asawa dahil March 27 din ang ika-apatnapung aniberaryo nila bilang mag-asawa.

At ngayon nga, sa pagiging negatibo rin ng test result ni Christopher, isa naman itong Easter Sunday blessing para kina Sandy at Christopher.

At kahit nalampasan na ng mag-asawa ang krisis na ito sa kanilang buhay, patuloy ang kanilang panalangin sa mabilis na paggaling ng iba pang mga COVID-19 patients sa buong mundo, kasabay din ang kanilang pasasalamat at pagdarasal para sa kaligtasan ng lahat ng mga frontliner sa panahon ngayon ng kalamidad ng mapamuksang sakit.

God is good… all the time!

Leave a comment