Christopher de Leon scheduled at St. Lukes for blood plasma donation

FEELENNIAL / Column
Matapos malampasan ang COVID-19 battle, at finally negative na nga, nakatakdang mag-donate ng blood plasma ang mahusay na aktor na si Christopher de Leon.

Nagpadala kami ng message sa asawa ni Papa Boyet na si Ms. Sandy Andolong. Tinanong namin kung ano na ang lagay ng aktor at kung magdo-donate ba s’ya.

Ang tanging sagot ni Ms. Sandy ay:

“Yes, scheduled s’ya this week sa St. Lukes, Rommel.”

Nakakatuwa naman na qualified si Papa Boyet na mag-donate. May mga guideline kasi bago ka makapag-donate. Ang aktres na si Iza Calzado (na gumaling na rin matapos mag-positive sa coronavirus) ay nalamang mababa ang dugo kaya hindi muna pinayagang mag-donate ng dugo.

*****

CATCH BEKI BEAUTIES THIS SATURDAY ON GMA


Limang mga beki na magkakabarkada mula Tondo ang nagsama-sama dahil ang bawat isa sa kanila ay nahilig sa basketball.

Kahit na mga beki sila ay ‘di sila magpapatalo, mapalalaki, tomboy man ang kanilang kalaban.

Dahil dito ay nakilala ang kanilang grupo na ADA KRAB sa Tondo kung saan sila ang tinaguriang Beki Beauties ng Tondo. 

Tuwing may pa liga o pa-fiesta sa kanilang lugar ay sila ang nagiging entertainment dahil sa kakaibang style nang kanilang paglalaro ng basketball. 

Malambot man daw sila pero lumalaban para sa premyo.

Pero ang bawat isa sa kanila ay may ibat-ibang kwento.

Si Iwa ay pilit na tinataguyod ang kanyang pamilya, pero may malasakit sa kapwa at pagtulong kaya siya ang tinaguriang beki-kagawad.

Si MC naman ay nung malamang ampon siya ay nagpursige siyang makatapos sa pag aaral sa pamamagitan ng pagiging working student.

Si Amor ‘di man tanggap ng sundalo niyang ama ay may lihim na nakaraan para lang mabuhay siya at masuportahan ang pamilya.

Si Jayson ang pinakabata sa grupo na ulila na ay inampon ng ADA KRAB dahil sa hirap at pangungulila sa magulang.

Si Ola hirap man sa buhay, lahat ng klase ng raket para kumita lang para sa magulang niya ay ginawa na.

Ang Beki Basketball Beauties ay pinangungunahan ni Mart Escudero as Iwa, Phytos Ramirez as MC, Donita Nose as Amor, Buboy Villar as Jayson, Kelvin Miranda as Ola, Ralph Noriega as Harold, Tom Olivar as Tatay Eddie, Gigi Locsin as Nanay Belen, Ollie Espino as Tatay Paeng, Anthony Rosaldo as Jade, Arny Ross as Juliet at JC Tan as Rigor.

Sa direksyon ni Jorron Monroy, sa malikhaing panulat ni Ms. Vien Ello at pananaliksik ni Gel Lauño. 

Ngayong darating na Sabado, April 25, sa GMA.

Leave a comment