Christine clarifies she has no frontal nudity in ‘Moonlight Butterfly’

Aminado si Christine Bermas na kakaiba ang kanyang naramdaman nang sinabi ng manager niyang si Ms. Len Carrillo na dumating na ang pinahihintay niyang break sa pelikula.

Bida na nga si Christine sa pelikulang Moonlight Butterfly na mula sa pamamahala ng premyadong filmmaker na si Joel Lamangan. 

Aniya, “Sobrang happy ko po and excited noong sinabi po sa akin ni Nanay Len that I have a launching movie and I am very thankful kay Nanay Len talaga.”

Dagdag pa ni Christine, “Hindi ko po mapaliwanag iyong saya na nararamdaman ko po ngayon, halo-halo na po eh.

“Na iyong hindi mo inaakalang blessing is darating sa iyo, kaya sobrang thankful ako sa lahat especially kay Nanay Len, kay sir Meloy, direk Joel, tito Dennis… sa pag-trust po sa akin to do this project.”

Ang Moonlight Butterfly ay prodyus ng 3:16 Media Network Productions, headed by Ms. Len Carrillo and Melo Uy.

Tatlo ang leading men dito ni Christine, sina Kit Thompson, Albie Casiño, at Ivan Carapiet. 

Tampok din sa pelikula sina Jim Pebanco, Tanya Gomez, Jolo Estrada, at Quinn Carrillo,

Ano ang role niya sa pelikula?

Tugon ni Christine, “I’m playing the role of Eunice po, a charming prostitute, the hottest GRO in Angeles City. Eunice is a very smart girl dito, tito. That’s why foreign guests love her po and mayroong tatlong lalaki sa buhay niya.”

Dagdag pa niya, “She’s doing everything for her mom na may sakit at kailangang magpa-dialysis and sa brother niyang nursing student. Sa movie ay dream ko pong maging lawyer, kaya nagsumikap mag-aral ng Political Science, pero hanggang freshman lang at nag-drop din po ako sa college.”

Nagpa-sexy ba siya rito? Gaano ka-daring?

“Yes po, nagpa-sexy ako sa movie na ito. Pero iyong movie ay hindi lang siya about sa pagpapa-sexy po, eh. May iniikutan yung story, may mga hindi ka inaasahang twist kung bakit ganoon si Eunice, like that po… pero wala po akong frontal nudity dito.”

Nabanggit din ng aktres na kabilang sa paghahanda niya sa mga maiinit na eksena sa pelikulang ito ang panonood niya ng mga pelikulang may love scenes.

Kabilang na rito ang 50 Shades of Grey, ang Anne Curtis at Marco Gumabao movie na Just A Stranger, at iba pa.

Paano niya ide-describe ang love scene niya kina Kit at Albie?

“Iyong kay Albie po, unexpected things to happen… kay Kit naman, you’re expecting it pero sobra pa pala sa inaakala mo, hahaha!” Nakatawang lahad ng aktres.

Kinabahan ba siya sa mga love scene niya rito?

Wika ni Christine, “Hindi po ako kinabahan sa mga love scene namin… kasi po, noong pumunta po ako roon sa shooting, talagang ini-ready ko na totally yung sarili ko po.

“Inisip ko na lang na kung kaya nila, kaya ko rin po, hahaha!”

Ano ang masasabi niya sa kanyang co-stars sa movie?

Esplika ng magandang aktres, “Masasabi ko sa lahat ng co-stars ko, sobrang galing nila and mafi-feel mo yung connections ng each and everyone’s character.

“Pagdating naman po sa three leading men ko, wala akong masabi kundi talagang sobrang husay po nilang tatlo,” nakangiting sambit pa niya.

How about kay Direk Joel?

Saad ni Christine, “Kay direk Joel po, sobrang dami kong natutunan sa kanya. If what he says, then do it correctly and exactly. Kailangan din na marunong kang makinig and umintindi, he always push you para mas maging better ka.”

Leave a comment