Chavit Singson vows to give free ATM cards to all cities

Sa gitna ng nararanasang hirap ng buhay dahil sa pandemya, walang iniisip ngayon si LMP President Chavit Singson kundi matulungan ang mga nahihirapan nating mga kababayan mula Luzon, Visayas hanggang Mindanao.

Sa panahong ito kung saan ang pinakaligtas at pinakamabilis na transaction ay ang paggamit ng cashless as means of payment, marami pa rin sa ating mga kababayan ang walang access sa financial products katulad ng bank account, ATM, insurance o credit card kahit gustuhin man nila.

Dahil dito, binuo ni Mayor Singson ang programang Financially Empowering the LGU’s through Digital Transformation.  

Karamihan pa rin sa ating mga kababayan ang hindi makapag-provide ng  complete requirements pag naga-apply ng atm o bank account.

Maaaring kulang sa ID sa kadahilanang dapat laging dalawa, o kung minsan tatlo pa ang niri-require ng  bawat bangko para magbigay ng bank account.

Kaya naman layunin ng nasabing programa through the initiative of Mayor Singson ang mag-distribute ng Multipurpose Visa Card with bank account and Residential ID in one ng libre sa lahat ng municipalities sa buong bansa upang magamit ng bawat indibiduwal.

Layunin ng Multipurpose card na mas mapagaan at mas ligtas ang buhay ng ating mga kababayan.

Katulad din ng mga ATM, ang Multipurpose Visa Card ni Mayor Chavit ay maaari ring gamitin kahit saan. 

Puwedeng sa Mastercard, sa Visacard o Paymaya.

Maaari itong pambayad sa groceries, sa bills katulad ng electric o water bills, at maging sa mga remittances na walang charge.

Kasama na rin ng Multipurpose Visa Card ang paglalagay ni Mayor Singson ng Gracia ATM machines sa bawat municipalities para mas mapabilis at mapadali ang pag-encash ng pera.

Ang pagtataguyod na ito ni Mayor Chavit ay hinanagangaan ng karamihan sapagkat walang sinuman maging sa ating sariling bansa o saan mang lugar sa buong mundo ang tanging nakapagbigay ng cards ng libre kundi tanging si Mayor Chavit lamang.

Hindi birong halaga ang pagpo-produce  ng maramihang ATM cards, idagdag pa na lahat ng mga tao sa Pilipinas ay mabibigyan pero ayon kay Mayor Chavit, kaligayahan na niya na ipamahagi na lamang sa karamihan ang anumang puwede niyang kitain sa kanyang panibagong programa.

Leave a comment