‘Centerstage’ all set; ‘The Lost Recipe’ going strong

Bilib ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa dedikasyon ng GMA Network para makapagbigay ng world-class entertainment sa kanilang loyal viewers. 

Ikinuwento ni Alden kung paano sinigurado ng Network ang nalalapit na pagbabalik ng talent show for kids na ‘Centerstage.’

“There’s always a way despite what’s happening. GMA will always adjust for the Kapuso, the Filipino viewers, for them to be able to continue watching certain shows that they love to watch. Doon ako napa-proud to be Kapuso.”

Dagdag pa niya, dapat abangan ng manonood ang kanilang makabagong virtual set, “Now that we’re back, we couldn’t be any happier kasi this is a breakthrough again in Philippine television, to be able to do a TV show virtually, for the safety of the contestants since we’re catering to kids. Kung gaano po kami ka-excited, I’m sure magiging excited din po ‘yung mga tao. It’s going to be the first dito po sa Centerstage.”

Ngayong Linggo na, Pebrero 7, magpapatuloy ang paghahanap sa Bida Kid sa ‘Centerstage,’ pagtapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko. 

~~~~~~~~~~~~~~~~ 

Hindi na talaga nagpapa-awat ang karisma ng The Lost Recipe dahil maging Kapuso stars at ibang showbiz personalities ay hindi mapigilang mapabilib at sumubaybay GMA News TV series na pinagbibidahan ng mga kaibigan nilang sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda. 

Isa na nga sa mga ito si Benjamin Alves na sa trailer palang ng fantasy-romance series ay manghang-mangha na.

“Kudos to The Lost Recipe – the cinematography is amazing!” aniya.

Pati ang batikang direktor na si Direk Jose Javier Reyes nagpahayag din ng paghanga sa programa.

Ayon sa kanya, “This is the best GMA pilot I have seen for the longest time.”


Consistent pa rin sa pangunguna sa Philippine top trending topics ang The Lost Recipe.

Maganda rin ang mga review sa serye ng GMA Public Affairs.

Maging sa ratings game ay patuloy ang pag-arangkada nito. 

Subaybayan ang mas kapana-panabik na kuwento ng The Lost Recipe, 8:00 p.m., sa GMA News TV.

Leave a comment