Celebrity-public servant Alex Castro discusses budget proposal for COVID vaccines in Bulacan

Nagpahayag ng kagalakan ang aktor/public servant na si Alex Castro sa muling pagtitiwala sa kanya ng BeauteDerm.

Recently kasi ay nag-renew ng contract si Alex sa naturang company ng President and CEO nitong si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Kasabay na nag-renew ni Alex ang Kapuso actress na si Pauline Mendoza.

Masayang ipinahayag ni Alex ang blessing na nakamit sa pagsisimula ng taon, mula sa BeauteDerm, na isa sa top leaders ng beauty and wellness industry sa bansa.

“Maganda ang pasok ng 2021 sa akin dahil alam ko na makakasama ko pa rin ang Beautederm family, especially ang aming CEO na Ms. Rhea Tan,” panimula ni Alex.

Dagdag pa niya, “Sobrang flattered na mapagkatiwalaan pa rin ako na mag-endorse ng Beautederm dahil iba kapag endorser ka ng Beautederm… established na kasi ang product na ito and maraming mga Filipino at mga kababayan natin sa ibang country ang tumatangkilik dito. Kaya sobrang nakaka-proud talaga!”

Sina Ms. Sylvia Sanchez, Marian Rivera, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Korina Sanchez, Piolo Pascual, Christopher de Leon, Bea Alonzo, at Dingdong Dantes ay ilan lang sa stars na bahagi ng pamilya ng Beautederm.

Kasama rin sa mahabang listahan nito sina Carlo Aquino, Arjo at Ria Atayde, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Darren Espanto, Ryle Santiago, Enchong Dee, Ejay Falcon, Matt Evans, Jane Oineza, Ken Chan, Rita Daniela, Camille Prats, Sanya Lopez, Pauline, Alma Concepcion, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Jestoni Alarcon, Sherilyn Reyes Tan, Kitkat, at iba pa.

Anong klaseng mag-alaga ang Beautederm at si Ms. Rhea?

Tugon ni Alex, “Iba rin kasi talagang mag-alaga si ate Rei, ramdam mo na pantay- pantay ang tingin niya sa aming mga ambassadors niya. Alagang-alaga kami, minsan personal pa siyang mangangamusta sa amin, nakikipagkuwentuhan, kaya alam namin na pamilya kami rito sa Beautederm.”

Esplika pa niya, “Kaya nga isa sa talagang nami-miss ko ay iyong get together namin, but bawal pa, kaya sobrang limited lang iyong time namin na magkita-kita.”

Masayang pahabol pa ni Alex na ang isa sa ine-endorse na produkto ng Beautederm ay ang Spruce & Dash, “Sobrang happy ako rito sa Beautederm, hindi lang dahil effective ang mga products, kundi dahil ramdam mo na pamilya kami.”

Hinggil naman sa kanyang pagiging Board Member ng lalawigan ng Bulacan, ipinahayag ni Alex ang mga pinagkaka-abalahan niya rito lately.

Aniya, “Tuloy pa rin ang serbisyo sa mga kababayan ko sa Bulacan, bukod din kasi sa pandemya, nahagupit din ang Bulacan ng mga bagyo at baha, kaya personal tayong tumulong sa rescue operations at nagbigay ng mga tulong sa mga naapektuhan ng mga bagyo.

“Iminungkahi ko rin na maglaan ng budget ang pamahalaang lalawigan sa 2021 budget upang makabili ng vaccine laban sa Covid-19. Upang masigurado na ang bawat isang Bulakenyo ay mababakunahan kung sakaling hindi sapat ang maibibigay ng national government na vaccine sa lalawigan.”

Leave a comment