Celebrating love during quarantine

Matapos ang ilang buwang hindi pagkikita ng personal bunsod ng lockdown, muling nag-reunite ang Kapuso couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Ito ay matapos bisitahin ng aktor ang kanyang nobya sa bahay nito.

Sa Instagram ni Andrea, makikita ang larawan nilang dalawa na magkayakap at masayang-masaya.

Paglalarawan ni Andrea sa photo nila ni Derek, “My little piece of heaven.”

Hindi maikakaila ang matatamis na ngiti at saya na naramdaman ng dalawa matapos ang matagal na hindi pagkikita. 

Kaya naman, sulit na sulit ang naging pagdalaw ni Derek kay Andrea dahil talagang namiss nila ang isa’t isa.

*****

Muling nagpahayag ng paghanga ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa boyfriend na si Tom Rodriguez.

Ito’y dahil mahigit isang buwan na raw pinaghihirapan at pinagpupuyatan ni Tom ang fundraising effort na ‘Guhit Pantawid.’

Ayon sa Instagram post ni Carla, “Bilib ako dito. Mahigit isang buwan na niyang pinaghihirapan at pinagpupuyatan ang #GuhitPantawid. Nagagawa pa rin niyang gumising ng maaga kahit puyat siya dahil dito.”

Dagdag ng ‘Love of my Life’ actress, “Kahit mahigit isang daang larawan ang kailangan niyang tapusin. Na walang bayad yan ha. Akala ng marami nagbayad sila kay Tom para gawin ang larawan nila. Hindi po.

“Ang panggastos po ng mga tsuper at street vendors ang binayaran niyo po. Hindi po ang larawan niyo na gawa ni Tom. Libre niya pong ginagawa ito para sa inyo.”

Hindi raw nila inakala ang dami ng mga magpapagawa ng larawan, kaya’t ipinaliwanag ni Carla na medyo natatagalan man ay matatanggap rin nila ang mga ito.

“Basta ang alam ko lang lahat maganda. Kaya pasensya na po kung medyo natatagalan. Hindi din po namin inakalang ang dami pong mag-dodonate kay medyo nabigla po siya. Pero maraming salamat po. Konting hintay nalang po at makukuha niyo narin po ang inyong #GuhitPantawid,” pagtatapos ni Carla.

Leave a comment