Catriona Gray is back; Chavit Singson owns Miss Universe Philippines?

(Photo by Trixie Dauz)

Nasa Pilipinas ang tinanghal na Miss Universe 2018 na si Catriona Gray dalawang araw matapos ang kanyang pagkakapanalo sa Bangkok, Thailand.

Sampung minuto bago mag-alas kwarto, lumapag ang sinasakyang private jet ni Catriona sa Manila Domestic Terminal.

Kasama ng Pinay beauty sina Richelle Singson-Michael at former Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson. 

Tumungo agad ang bagong Miss Universe sa lounge ng private hangar ni Chavit para sa isang flash presscon. Present ang mga batang tinutulungan ng dalaga mula sa Tondo, under Young Focus Philippines, Tondo based organization.

“I’m so happy to be home, so happy to be back in the Philippines, and to see all of you, and also to see my Young Focus family,” masayang pahayag ng Filipina-Australian beauty queen. 

Masayang masaya ang mga batang tinutulungan nya sa ginagawang pag suporta ng kanilang “Ate Cat.” Buong buhay na raw nilang dadalhin ang kabutihang ipinapakita ng beauty queen. 

Sa makasaysayang pagkapanalo ni Cat, isa sa mga sumuporta sa Miss Universe Organization ay si Chavit, kaya naging hurado ang kanyang anak na si Richelle. 

Usap-usapan din na nabili na ni Chavit ang franchise ng Miss Universe Philippines. Ibig sabihin, hindi na ito hahawakan ng Binibining Pilipinas Charities, Inc na pagmamay-ari ni Stella Araneta.

Hindi sinagot ni Chavit kung may katotohanan ito pero napa “thumbs up” siya nang tanungin.

Magiging parte na rin ang stunning queen sa projects ng former Ilocos Sur governor.

“I’m excited to be part of Gov’s [Chavit Singson] charity project tomorrow. It is the season of giving, it is Christmas so I really look forward to take part in that and also hopefully inspiring everyone to get in the spirit of giving this Christmas.”

Next few weeks magaganap ang official homecoming ng newly crowned Miss Universe 2018. 

Babalik sya sa New York within the next 48 hours para gampanan ang kanyang duties bilang bagong reyna.

Leave a comment