Catch Sean De Guzman and other boys as they bare via KTX

Handang-handa nang magpaligaya at magpainit ng mga manonood ang lead stars ng Anak ng Macho Dancer na sina Sean De Guzman, Charles Nathan, Mhack Morales, Miko Pasamonte, at Ricky Gumera dahil ipalalabas na online via ktx.ph ang uncut digital premiere ng kanilang pelikula sa January 30, 9pm-11pm.

Biruan nga nila ay ready na raw silang magpa-booking sa January 30.

Ibig lang nilang sabihin ay gusto nilang imbitahan ang mga tao na mag-book na ng kanilang e-tickets para mapanood ang Anak ng Macho Dancer directed by Joel Lamangan at produced by Godfather Productions ni Joed Serrano kasama ang Blackwater.

Ayon nga sa post ng Godfather Productions sa Twitter, “Digital Premier ng ANAK NG MACHO DANCER

“A Joel Lamangan Film

“NGAYONG JANUARY 30 9-11PM… TUTUPARIN NILA ANG MGA PANTASYA MO, 

“Kaya ano pa ang hinihintay mo? Booking na itu! 

“Tickets are at 690 Php. Book your tickets now via ktx. ph! 

“#AnakNgMachoDancer” 

Sinisigurado naman nina Sean, Charles, Mhack, Miko, at Ricky na maliligayahan ang mga manonood ng kanilang pelikula lalo na nga’t marami silang maiinit at pasabog na mga eksena.

Ngunit pahabol nila, “Hindi lang mabubusog ang inyong mga mata, pero may mapupulot din kayo na aral.” 

Kasama rin sa cast ng Anak ng Macho Dancer sina Jaclyn Jose, Allan Paule, Jay Manalo, Rossana Roces, Emilio Garcia, Jim Pebanco, Elora Españo, at Eisel Serrano. 

Kaya mag-book na ng e-tickets sa ktx.ph para masaksihan ang mainit at masarap na handog at pasabog ng Anak ng Macho Dancer sa January 30.

Leave a comment