Carmina Villarroel feels more comfy doing ‘Sarap ‘Di Ba?’ home edition

Tiyak na mas sisigla ang inyong Saturday mornings kasama ang kwelang pamilya nina Carmina Villarroel, Zoren, Cassy at Mavy Legaspi sa special quarantine episodes ng ‘Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition’ ngayong Sabado (July 18).

“Mas makikilala pa nila ‘yung Legaspi family. Magiging masaya po ‘yung aming episode,” ani ng actress-TV host na si Carmina. 

At dahil tulong-tulong sila na mabuo ang naturang quarantine episodes na kinunan mismo sa kanilang bahay, ibang-iba raw ang ‘Bahay Edition’ mula sa mas structured na setup nila sa studio.

“Mararamdaman mo talagang relaxed ka, at home ka, nasa bahay ka lang, chill chill,” dagdag pa niya.

Kanya-kanya naman ng roles na ginagampanan ang pamilya Legaspi para mabuo ang special quarantine episodes ng programa.

Si Zoren ang tumatayong direktor, si Carmina ang punong-abala sa props, si Cassy naman sa teleprompter habang nagsisilbing assistant director naman ni Zoren si Mavy.

Tutukan din ang exclusive house tour ni Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista kasama ang asawang si Kat Ramnani sa Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition ngayong Sabado na, 10:45am, sa Kapuso Network!

Leave a comment