Carlo stick to one; Nadine doesn’t want intense love

Sa pelikulang “Ulan” mula sa Viva Films, ay sina Carlo Aquino at Nadine Lustre ang magkapareha rito. 

Since Ulan ang title ng kanilang movie, tinanong ang dalawa kung ano ‘yung memories na naaalala nila kapag umuulan?

“Ako siguro, ‘yung kabataan ko. Kasi tuwing umuulan, kami ng mga kalaro ko, lumalabas, para maligo (sa ulan). Pero ngayon, hindi ka na pwedeng maligo sa ulan, magkakasakit ka na, hindi ka na makakapagtrabaho kinabukasan, hindi katulad nung kabataan mo,” sabi ni Carlo.

Sumang-ayon naman si Nadine sa sinabi ni Carlo,” Kasi kapag bata ka po, parang dedma lang sa’yo, ‘yung ulan. Basta mag-enjoy ka lang. Saka nu’ng bata po ako, may mga barkada po ako, nanghuhuli kami ng mga tipaklong sa bakanteng lote. Tapos naaalala ko, ‘yung lola ko, nagluluto siya ng champorado, para may mainit (na makain).”

Paano naman nila maihahalintulad sa ulan ang kanilang personality? Anong klaseng ulan ba sila? Sila ba ‘yung ulan na pabugso-bugso lang, ambon lang, o isang bagyo?

“Pwede ba ‘yung ulan na sakto lang? ‘Yung konti lang ‘yung ulan, pero matagal, ‘yung nag-i-stick,” sagot ni Carlo.

Sabi naman ni Nadine, “Ako po, now, actually, normal lang na ulan. Kasi, katatapos lang po ng bagyo, eh. Ngayon, steady lang po ako and very consistent.”

Ano ba ‘yung sinasabi niyang katatapos lang na bagyo?

“Two years ago, 2017, nu’ng namatay po ‘yung brother ko. Medyo natagalan din po bago ko na-accept ‘yung nangyari, bago po ako naka-move on. ‘Yun po.”

Kung maihahalintulad naman sa ulan ang kanilang lovelife, kung paano silang magmahal, anong klaseng ulan sila?

“Ganun pa rin, ‘yung nag-i-stick,” sagot ni Carlo.

“’Yung normal lang din na ulan, kasi ‘yun ‘yung pwede mong i-enjoy.  ‘Pag bagyo, hindi mo pwedeng i-enjoy kasi masyadong intense,” sagot naman ni Nadine.

Ang “Ulan” ay mula sa direksyon ni Irene Emma Villamor. Showing na ito sa March 13.

Leave a comment