Carla Abellana asks for prayers: Animals affected by Ulysses too

Kilalang animal welfare advocate ang Kapuso star na si Carla Abellana kaya naman ikinalungkot niya ang sinapit ng ilang mga hayop sa nagdaang hagupit ng Typhoon Ulysses sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. 

Gamit ang social media, nag-offer ng isang panalangin ang aktres, “Lord, please bless all the animals affected by Ulysses too. They are helpless. I cannot imagine the amount of fear and suffering, especially for those who were left locked indoors, left trapped in their cages or left behind tied up with a chain or leash. How will they survive the cold rain and the flooding?”

Dagdag pa ni Carla, kung pupuwede lang daw sana ay siya na mismo ang tutulong, “I desperately want to be out there to help. Just like during the Taal eruption early this year. But I can’t this time and I’m having the same kind of anxiety again for the animals. Please send persons to help, them, Lord.”

Kasalukuyang nasa lock-in taping si Carla kasama ang iba pang co-stars niya para sa primetime series na ‘Love of my Life.’ 

Leave a comment