Busy Ricci says sorry to talent manager

Sa isang panayam sa basketbolistang si Ricci Rivero kamakailan, tinanong siya kung sakaling may proyektong i-offer sa kanya katambal si Liza Soberano ay tatanggapin ba niya, ang sagot niya ay depende raw sa kanyang schedule. 

Sa naging sagot na ito ni Ricci, ay marami ang nayabangan sa kanya. Kaya naman bina-bash siya, lalo na ng mga tagahanga ni Liza.  

Ganun na raw ba siya ka-busy para hindi magawang tanggapin ang proyekto with Liza?  

At hindi ba raw siya natutuwa na ang makakapareha at makakatrabaho niya ay isang sikat na tulad ni Liza?

Humingi na ng paumanhin si Ricci kay Liza sa pamamagitan ng manager nito na si Ogie Diaz. 

Sa Facebook post ni Ogie Diaz na “MAMA OGS SAYS…” ikinuwento niyang nag-text daw sa kanya si Ricci upang humingi ng dispensa at ipaliwanag ang kanyang panig.

Sa tanong ng netizenz kay Ogie na, “Mama Ogs, eh nabanggit mo na rin lang si Liza Soberano, ano masasabi mo dun sa sinabi ni Ricci Rivero na kung mag-fit ang sked niya, saka pa lang siya gagawa ng movie with Liza?

Sagot ni Ogie, “Wa echos, hindi ako nainis kay Ricci no’n o nayabangan sa kanya. Kaya ang sabi ko lang, iinom muna ako ng tatlong litro ng tubig. 

“Actually, kahit si Liza, nu’ng kinwento ko to sa kanya, nangiti na lang siya. To be fair to Ricci, nag-text siya sa akin and he said, ‘Tito Ogie, super sorry po for what happened. 

“I didn’t mean to say that in a bad way, but I was just trying to say that I don’t wanna go between Enrique and Liza because I respect the love teams in the industry and I even said that Liza will always be Liza—so that simply means that she is already established as Liza.

“’And who am I to say no? But I know it’s probably the way I said that statement so I’m sorry for that po.

“I hope you understand and not only you, but especially Liza… I look up to Liza rin naman po and I think you know that. I asked for a picture pa nga po, di ba?

“Yes, when he saw Liza sa ‘Ms. Possibilities,’ nagpa-pic siya. Di ko lang alam kung pinost niya or IG stories.”

Leave a comment