Breakup with Bea? Gerald speaks up, enjoys Pia’s company

Sa interview ni Gerald Anderson sa ABS-CBN News Online, binigyang linaw niya ang balitang hiwalay na diumano sila ng girlfriend na si Bea Alonzo.

Ang sinasabing dahilan ng hiwalayan nila ay ang pagkakamabutihan diumano ng aktor at ni Pia Wurtzbach nung ginagawa pa lang nila ang pelikulang “My Perfect You” ng Star Cinema.

Sabi ni Gerald, ”It was a simple misunderstanding. Naayos po namin personally, and ‘yun po ‘yung importante, to move on from this. Ang importante, everything is good. Everything is good.”

img_20180410_102405

 

Dagdag niya, “Pia has been nothing but sobrang professional and sobrang sarap kasama.

img_20180410_102351

“Sa first lead niya, first day pa lang, napabilib na ako sa kanya. We are just happy with the outcome. Sa personal life naman namin, okay na okay.”

*************

May bagong alaga ang aming kaibigang si Direk Francis Doble, na si Andrei Aquino, 13 years old.

Pangarap ng bagets na mag-artista para mai-share niya ang nalalaman niya sa pag-arte.

Pero bongga si Andrei, dahil hindi pa man siya artista ay pinagkakaguluhan na siya.

received_10156514909436424

Sa ilang schools na pinuntahan niya ay maraming estudyante ang nagpa-picture sa kanya.

Gwapo at artistahin naman kasi ang dating ni Andrei. Sigurado kami na may paglalagyan siya sa showbiz, lalo na’t maraming connection ang manager niyang si Direk Francis.

Sa drama at action gustong makilala ni Andrei. Si Daniel Padilla ang paborito niyang aktor at Liza Soberano naman ang paborito niyang aktres, bukod pa sa crush niya ang dalaga.

Handa na si Andrei na harapin ang lahat ng intriga sa pagpasok niya sa showbiz. Hindi na lang daw niya pinapansin ang anumang intriga na ibabato sa kanya, lalo na kung wala naman itong katotohanan.

Soon ay mapapanood na sa commercial si Andrei at sa isang pelikula, na ang magdidirek ay si Direk Francis.

*************

Nagkaroon kami ng reunion ng mga classmates ko nung 4th year, batch 86 (Novaliches High School), na ginanap sa Cabalen sa Trinoma.

Dun kami nag-lunch, na ang nag-treat ay ang classmate namin na si Ma. Victoria Extra Tuzon, na nagtatrabaho sa United Kingdom.

received_10156514951451424

Present sa reunion ang class president namin na si Robinson Laxa, Clarissa Villajuan Angeles, Malou Urata Mahinay, Elma Solis Aggarao, Mercedita Buan Samonte, Emma Macatangay, Arlyn Doroin, Rhodora Dulay Ecat, Lorleen Manabat Villafuerte, Joselito Quibral at Jesus Radmar Trinidad Resente.

Nakasama rin namin sa reunion ang mister ni Vicky na si Manoy. Ang susunod naming pagkikita ay sa darating kong kaarawan sa March 30.

Leave a comment