BNY welcomes newest face

Ilang years na ring namamayagpag ang clothing brand na BNY na mayroong mga sikat na endorsers. Kamakailan ay ipinakilala ang bagong endorser na si Jimuel Pacquiao, anak nina Sen. Manny at Jinky. For sure, malaki ang maitutulong ng binata sa pag eendorse dahil malaki rin naman ang kanyang social media audience.

Marami ring kabataan ang nagkaka-crush kay Jimuel dahil sa charming face nito. Kwento ng owner ng BNY, kinuha nila si Jimuel dahil gusto nila ng fresh face, student-athlete ang peg at magiging model sa new generation.

Perfect d’yan si Jimuel. Proud na proud ang kanyang mommy na si Jinky na kasama n’ya sa pagpirma ng kontrata. Dahil na rin sa trust ni Jinky sa BNY kaya pinayagan n’ya ang kanyang anak.

Very stylish at maganda ang materyal ng BNY. Isa ito sa brands na paborito ng mga kabataan ngayon. Swak din kasi sa budget. Maa-achieve ang gusto mong look or ootd dahil maraming choices sa BNY.

Kung gusto n’yo naman ng sporty, athlete look, mabibili ang sports outfit like jogger, jacket, sport shirts na ine-endorse ng anak ni Sen. Manny.

Sey n’ya, “Masaya po being chosen to be an ambassador of the brand. It means something. It’s an honor for me.”

Nakuha ng BNY as endorser si Jimuel through his girlfriend na si Heaven Peralejo na endorser din ng brand. Sa tulong ng social media ay maraming mahihikayat ang binata na bumili ng sporty outfit. Ito na rin kaya ang simula ng pagpasok n’ya sa mundo ng showbiz?

Leave a comment