Billy, Nadine, Tito Boy join forces for biggest talent-reality show ‘Your Moment’

Tiyak na aabangan ang bagong talent-reality  program ng Kapamilya network na “Your Moment.” Mapapanood na ito sa Pilipinas sa unang pagkakataon na bunga ng pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at Fritz Productions ng Netherlands. Tampok ang samu’t saring dancing at singing acts mula sa loob at labas ng bansa at magtatanghal ng dalawang grand champion sa dalawang talent category sa finals.

Magsisimula na ito sa Nobyembre 9,  

kasama ang judges na sina international RnB sensation Billy Crawford, multimedia princess Nadine Lustre, at star builder Boy Abunda na gagamit ng ‘emotion meter knob’ para bigyan ng score ang bawat performance. 

Kulay at excitement ang hatid ng programa sa bawat weekend dahil sa makabago at enggrandeng set nito kung saan masasaksihan ng audience at judges ang lahat ng performances sa salit-salitang pag-ikot nito sa magkahiwalay na dancing stage at singing stage.

Ngayon palang ay marami na ang nag-aabang at marami na ang nagkakainteres na sumali sa Your Moment. Dahil world class ang sound stage, siguradong pang-world class din ang mga performance ng bawat sasali sa  singing and dancing competition na ito. 

Excited na ang lahat sa “Your Moment” dahil na rin kabilang na nga rito ang King of Talk na si Boy Abunda na hindi na bago ang maging judge sa isang talent-reality program. Minsan na siyang naging hurado sa Star Circle Quest.

Leave a comment