Billy Crawford thanks ABS-CBN, starts new gigs ‘LOL,’ ‘Masked Singer’

Sa pilot telecast noong Lunes ng Lunch Out Loud, ang bagong noontime show ng  TV5, ay nag-monologue muna ang isa sa host nito na si Billy Crawford, bago magsimula ang show.

Sabi niya, “Gusto ko po na magpakilala sa inyo, Ako po si Billy Crawford. I’ve been in the business for 34 years now itong December. I started in GMA sa That’s Entertainment bilang child actor-star. Growing up, I was very blessed na nabigyan ako ng magandang opportunity to take on a musical career sa labas ng Pilipinas. After how many years, sa aking pagbabalik, buong puso akong tinanggap ng aking mga bagong Kapamilya, ang ABS-CBN, na tumayong parang pangalawang magulang ko na. Sa ABS-CBN po ako nag-grow bilang host. Sa ABS-CBN at sa Showtime po ako nahasa na magpasaya ng mga tao. At sa ABS-CBN ko rin po nakilala, napamahal ang mga longtime friends ko—Bestie Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Teddy Corpuz, Kuya Kim Atienza, Eric ‘Eruption’ Tai. At higit sa lahat, sa ABS-CBN ko po nakilala ang aking mahal na asawa. Kaya buong-puso ko pong gustong pasalamatan ang aking Kapamilya sa ABS-CBN sa pagtanggap, sa mahahalagang naituro po ninyo sa akin bilang host at bilang tao. Kaya I am here to humbly thank you mga Kapamilya for all the learnings and experiences you have given me.”

Ipinaliwanag din ni Billy na gaya ng iba ay naapektuhan ang kanilang trabaho dahil sa pandemic.

Nagpapasalamat na nga lang siya na may dumating na offer sa kanya mula sa Brightlight Productions at TV5.

Ito ngang LOL at ang Masked Singer, na siya ang solong host.

“Kung napapansin ninyo, e, medyo madilim ano po? Alam nating lahat na we’re facing dark times ngayon sa panahon ng pandemya. I am here to speak on behalf of my co-hosts, ang mga kasama ko po ngayon. Tulad niyo po mga kababayan, kami rin po mga artista ay nakaranas ng kadiliman. Talagang walang pinalagpas itong pandemyang ito para sa ating lahat. Ika nga, lahat po tayo tinamaan. Tulad po ninyo, aming mga mahal na manonood, kami rin po ay nakaranas na mawalan ng trabaho. May iba sa amin nagkasakit. May iba nawawala rin ng pag-asa from time to time. We are all facing dark times. Pero as expected, the grace of God will always deliver even in dark times, kaya po may nagbukas ng pinto para sa amin para muli kaming makabangon. May bagong tahanan na muling tumanggap sa amin para muli kaming magpapasaya at magbigay ng pag-asa. Nagpapasalamat po kami nang lubus-lubos sa lahat ng bumubuo ng Brighlight Productions, sa TV5, sa mga bago naming Kapatid. Maraming-maraming salamat po. You were God-given po para sa aming lahat. At higit sa lahat, on behalf of all na nakasama ko dito—from the utility men, technical crew, production, and creative people, our directors, lahat po—salamat po sa inyong lahat dahil kayo ang inspirasyon namin lahat para muling mabigyan ng saya at liwanag.”

Leave a comment