Big name in broadcast media set to join PTV’s ‘Ulat Bayan’

Talaga namang nakaka-excite ang sinasabing pagbabagong anyo ng balita sa People’s Television na simula nang matutunghayan sa Lunes, Setyembre a-siyete.

Bulung-bulungan ngayon kung sinu-sino nga kaya ang madaragdag sa mga tagapag-balita sa government network lalo pa’t ilan sa mga kilalang personalidad sa pagbabalita mula sa ibang network ang napapaulat ngayong nagsisilipatan na sa ibang mga dating kalabang istasyon.

May ilan kaya sa kanilang mapapanood na sa PTV simula sa Lunes? 

Ayon sa aming source mula sa PTV, kumpirmado na raw na may madaragdag na malaking pangalan sa hanay ng kanilang mga news anchors, partikular sa primetime newscast nilang Ulat Bayan, na umeere alas sais ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.

Bagamat mananatili pa rin umano sa programa sina Aljo Bendijo, Diane Querrer at Alex Santos bilang newscasters, hindi raw matatawaran ang magiging ambag na kredibilidad sa pagbabalita ng daragdag na personalidad sa tatlo.

Power of Four ika nga, ang magiging panlaban ng PTV sa mas pinalakas nitong Ulat Bayan.

Sino nga kaya ang tinutukoy nilang beteranong mamamahayag na ito? 

Sabay-sabay na lang daw nating alamin ang sagot sa Lunes ng gabi!

Leave a comment