Bianca Umali encourages her followers to register and vote

Labingtatlong oras na pumila si Bianca Umali upang makapagparehsitro para sa nalalapit na eleksyon sa Mayo, 2022.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (na may mahigit tatlong milyong followers) ay ibinahagi ng Kapuso actress ang boomerang video at mga litrato niya habang ipinapakita ang mga daliri niyang markado ng tinta bilang pagpapatunay na nakapagparehistro na siya.

Ayon kay Bianca:

“Mula alas tres ng umaga, na nagsimula ang araw namin, hanggang alas quatro ng hapon na natapos namin ang lahat lahat – sa wakas, isa na akong ganap na rehistradong botante. Ang sarap sa puso.”

Pinaalalahanan din ni Bianca ang publiko na ang pagboto ay karapatan at responsibilidad ng bawat mamamayang Pilipino.

“Ang pagboto natin tuwing eleksyon ay nagpapakita ng ating pakikilahok sa paghangad ng magandang kinabukasan hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi para sa buong bansa,” pahayag pa ng Legal Wives actress.

“Ito ay ating karapatan at kailangang gampanan. Tungkulin at pananagutan natin ito bilang mga Pilipino.”

Kasama ni Bianca ang kanyang pinsan na nangngangalang Samantha na ipinagmamalaki rin ni Bianca dahil sa hakbang na ginawa nito na magparehsitro rin. 

Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, sinabi ni Bianca na umaasa siya na makakapagbigay pag-asa at inspirasyon siya sa mga tao para magparehistro at siyempre, ang bumoto.

“Sama-sama nating mahalin ang Pilipinas, bumoto tayo,” ang huling pahayag ni Bianca na nilagyan niya ng hashtags na #RegisteredVoter, #ParaSaPilipinas, and #PHElections2022.

Samatala, sa Legal Wives ay tatlo silang asawa ni Dennis Trillo (bilang Ismael Makadatu); si Bianca bilang Farrah Balindong, si Andea Torres bilang Diane San Luis at si Alice Dixson bilang si Amirah Alonte. 

Kung sa tunay na buhay, papayag ba si Bianca na mangyari sa kanya na maging isa sa mga legal na asawa ng isang Muslim?

“Siguro kung…nakadepende po ‘yan sa kung gaano ko kamahal ‘yung tao, and hindi po ako nagsasalita ng tapos and kung in the future ay hindi po natin alam ay makapagmahal po ako ng Muslim, I might be willing to go that far.

“And depende rin po sa set-up, depende po…hindi ko po masabi, pero I know that it will be hard pero I think na if my heart will be willing by then and kung worth it naman po, bakit hindi.”

Leave a comment