Bianca, Miguel together?

Isinalang sa hot seat ang Legal Wives star na si Bianca Umali sa fresh episode ng ‘The Boobay and Tekla Show’ noong Linggo, September 5. 

Mainit at matitinding katanungan ang ibinato ng hosts na sina Boobay at Tekla kay Bianca sa segment na “May Pa-Presscon.” 

Sa unang pagkakataon ay sinagot ng Kapuso actress ang tanong kung in love nga ba siya ngayon at kung kumusta na sila ni Voltes V: Legacy star Miguel Tanfelix. 

Sinabi ni Bianca na in love siya ngayon at merong nagbibigay ng inspirasyon sa kanya. In love siya sa kanyang pamilya, sa lola, sa mga fans at sa trabaho.

Tungkol naman kay Miguel, sinabi ni Bianca na:

“Okay kami ni Miguel. Nagkikita pa rin naman kami when we have work at nakakapag-guest ako sa All-Out Sundays, dito sa GMA, ganyan.

“We’re very okay, kasi hindi naman biro yung tagal ng samahan namin nung magka-love team kami bilang BiGuel.

“So, I believe malaking parte rin naman ng mga buhay at ng career namin sa isa’t isa. So, sa ngayo, kapag nagkikita kami, talagang okay naman.”

Bukod sa mga bigating rebelasyon, sumabak din si Bianca sa segment na “Ang Arte Mo” kung saan isinadula nila nina Boobay, Tekla, at ng The Mema Squad ang ilang mga eksena mula sa nakalipas na serye ng aktres gaya ng Sahaya at Kambal, Karibal. 

Isa raw iyon sa pinakapaborito nilang eksena ni Miguel.

“Naalala ko ‘yan kasi pinag-uusapan namin kung paano namin gagawin, kasi nung araw na ‘yan, pagod na pagod na kami.

“Madaling araw na yun. Tapos, eto yung last namin na eksena, e, malaking bagay ang eksena na ‘to sa story,” pahayag ni Bianca.

Ang madramang eksena sa Sahaya kung saan umiiyak si Miguel na sinasabi niyang nadudurog siya tuwing nakikita niyang masaya si Sahaya (Bianca) kasama ang iba ang tinukoy ni Bianca.

Saan sila humugot ng emosyon para sa madramang eksenang iyon?

“Siguro masasabi ko na lang… Paano ba? Every time na aarte kami ni Miguel na magkasama, meron kaming hugot na personal at meron kaming hugot na na-share namin parehas.

“At may respeto kami sa feelings ng isa’t isa,” sinabi pa ni Bianca.

Kasama ni Bianca sa Legal Wives sina Andrea Torres, Alice Dixson at Dennis Trillo.

Napapanood tuwing Linggo ang The Boobay and Tekla Show pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.

Leave a comment