BG tries horror film for the first time

First time susubukan ng BG Productions ang pagproproduce ng horror film na tatampukan nina Beauty Gonzalez, Enzo Pineda, at Paolo Ravales.

received_196113881291147

Dream come true para sa boss ng BG na si Baby Go ang gagwing horror movie. Kwento nya, mismong sa kanyang bayang sinilangan kukuhaan ang mga eksena sa pelikula—sa Dumaguete.

Ipapakita ang kayandahan ng Dumaguete na syang aabangan sa pelikula bukod sa mga nakakatakot na eksena. Challenge rin para kay Beauty ang paggawa ng horror. Natutuwa naman si Madam Baby sa kanyang cast.

Hindi talaga paawat ang BG Productions sa pangunguna ni Madam Baby sa pagproduce ng mga pelikula. Ibig sabihin, maganda ang nagiging resulta every time na nagproproduce sila. Passion nya ang producing. 

Magaling na boss si Madam Baby kaya maraming nagtitiwala sa kanya. Bukod pa riyan ay marami syang natutulungan every time she produces movies. Kapag maraming pelikula, maraming trabaho at opportunities din lalo na sa mga nangangarap na mapasama sa mundo ng showbiz.

85bda1b1-7699-4e09-b60c-cb78e9ff3de4

May working title na “Hipnotismo” ang bagong offering ng BG at ito ay sa direksyon ni Joey Romero. For sure, magandang pelikula ito! Kaabang-abang ito lalo na’t first time ng BG na gumawa ng horror. Bagong putahe ang ihahain, kumpara sa past movies ng BG. 

Katatapos lang din ng Diamond Awards Night ni Madam Baby at ito ay successful. Talagang super blessed and busy nya! Career woman! Sana ay hindi sya magsawang magproduce para maraming newbie artists ang mapagbubuksan ng pinto. Congrats, Madam Baby!

Leave a comment