Benjamin Alves opens business ‘House Of Roses’

May bagong pinagkakaabalahan ngayon ang Kapuso actor na si Benjamin Alves. 

Sa pinakahuling Instagram post ng aktor, inanunsyo niya ang bago niyang business.

Isang photo ng bouquet of red roses ang pinost ni Ben na may caption na, “Say it with roses…Beginning August 6, 2020. Please follow our business account @houseofroses.ph ! #sayitwithroses”

Samantala, mapapanood si Ben kasama si Edgar Allan Guzman bilang celebrity guests bukas, August 8, sa Mars Pa More. 

Ibabahagi ni Ben ang special Curry Udon recipe niya habang ituturo naman ni Edgar ang bagong dance moves sa Kapuso viewers.

Tutukan ang fresh episodes ng Mars Pa More tuwing umaga, Lunes hanggang Biyernes, 8:45am sa GMA.

*****

Ngayong Sabado (August 8), muling mapapanood sa ‘Magpakailanman’ ang kuwento ng mag-ina na magkaribal sa iisang lalaki. 

Bata pa lang si Lucila nang makilala ng nanay niyang si Salve ang magiging pangalawang asawa nito, si Manuel.

Pero nang mag-dalaga na si Lucila, may namuong pagtitinginan sa pagitan nila ng stepfather.

Paano haharapin ng pamilya nila ang hamon na ito?

Abangan sina Amy Austria, Pauline Mendoza, at Neil Ryan Sese sa kakaibang istorya ng  “Ako o Anak Ko?,” ngayong Sabado, August 8, 8:00 pm sa #MPK.

Leave a comment