Belladonnas-Clique V love affair? Quinn Carrillo answers

Sa February 23, Saturday, at 7:00pm, ay magkakaroon ng concert ang all female group na Belladonnas, at all male group na Clique V billed as This Is Me, na gaganapin sa SM North Edsa, Skydome. 

Mula ito sa direksyon ni Robin Obispo at mula naman sa choreography nina Mia Pangyarihan at Aira Bermundes.  Special guests sa This Is Me concert ang Kapuso star na si Kyline Alcantara, ang dalawang members ng Hashtags na sina CK at Zeus Collins, at ang Star Music and MOR DJ na si Anna Ramsey.

Sa presscon para sa naturang concert na ginanap nu’ng Sabado ng gabi, ipinaliwanag ni Quinn Carillo, isa sa member ng Belladonnas, kung bakit This Is Me ang title ng kanilang concert.

“Actually, marami po talagang nagtatanong bakit This Is Me, e, marami naman po kami sa concert, dapat daw po ay This Is Us,” panimula ni Quinn.

Patuloy niya, “Kaya po This Is Me, the title itself pertains to us, being one unit, being a family. Wala pong Quinn, wala pong Jassy, wala pong Chloe diyan sa concert, but as Belladonas and Clique V, being one in this concert.”

Anong pasabog ang gagawin nila sa concert?

“All I can say is surprise na lang. Abangan na lang nila sa concert,” sabi naman ni Quinn.

Dahil This Is Me ang title ng kanilang concert, tinanong namin si Quinn kung paano niya ide-descibe ang kanyang sarili, na uumpisahan niya sa pagsasabing this is me.

“This is me, a black beauty,” natatawang sabi ni Quinn.

May balitang may isang member ng Clique V ang na-inlove sa isang member ng Belladonnas. How true?

“Siguro po kaya nagkaru’n ng ganyang isyu, kasi ang Belladonnas at Clique V are very close. Na-misunderstood lang po siguro. Parang magkakapatid lang po talaga ang turingan namin.”

Ang This Is Me Concert ay produced ng 3:16 Events and Talent Management ni Ms. Len Carillo.  Ang ticket ng concert ay mabibili sa SM Tickets.

Leave a comment