Beautéderm holds successful store opening at Ayala Malls Cloverleaf; Zeinab thanks Rhea Tan

Ibang klase talaga ang lakas ng hatak sa madla ng social media star na si Zeinab Harake.

Sa ginanap na mall show at Beautederm store opening last Sunday sa Ayala Malls Cloverleaf, dumagundong at nakabibingi ang naging hiyawan ng fans nang tawagin ang pangalan niya upang magbigay ng isang special production number.

Nabanggit nga ni DJ Chacha, host ng event, na parang KathNiel ang lakas ng dating ni Zeinab sa fans.

Dinumog nga ang mall show na ito ng Beautederm na hanggang 4th level ay punung-puno ng tao. At ang fans, sobrang parang sabik na sabik na makita ang kanilang mga idolo.

Super nag-enjoy ang mga taong nagpunta sa naturang mall show, opening salvo pa lang via Maria Laroco’s birit song, plus Boobay’s nakaka-indak at nakaaa-aliw na performance, solb na solb na ang marami.

Ilan pa sa stars na nakibahagi rito ay sina Jelai Andres, Buboy Villar, Ruru Madrid, Bianca Umali, at BeauteHaus ambassador na si JC Santos.  

Ang Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ay nagpahayag ng kagalakan sa kanilang matagumpay na mall show.

Masayang sambit niya, “Ganyan kami sir, kapag mall show, dumog, ang daming napapasayang tao.

“I’m glad na bumalik na ulit ang face-to-face events na ganito. Ang gagaling ng babies ko, ‘di ba? Because we want to make people happy not just beautiful sa aming produkto. Siyempre nag-iingat pa rin kami kasi nandiyan pa rin ang covid. Pero hindi nito mapipigilan ang mas marami pang store openings, mall shows and events ng Beautederm,” nakangiting wika pa ni Ms. Rhea.

Si Zeinab ang latest brand ambassador ng oral care products ng Beautéderm Corporation gaya ng Koreisu Family Toothpaste, Koreisu Whitening Toothpaste, Etré Clair Refreshing Mouthwash, at Etré Clair Mouth Spray.

With over 50 million followers across such platforms gaya ng Facebook, Instagram, TikTok, Twitter, at YouTube, isa si Zeinab sa pinaka-impluwensiyal na personalidad sa social media dahil sa kanyang mga lifestyle vlogs at challenge videos na taalaga namang paboritong paborito ng mga netizens di lamang dito sa Pilipinas ngunit sa buong mundo na rin.

Sa contract signing niya recently sa Luxent Hotel bilang brand ambassador ng Beautéderm, nabanggit ni Zeinab kung gaano kahalaga sa kanya ang mga oral products na ito.

Esplika ni Zeinab, “Essential ko talaga itong mga Beautederm products, lalo na yung Koreisu toothpaste at Etré Clair mouth spray. Itong toothpaste na ginagamit ko, puwede talaga siya sa mga bata… and kailangan siyempre kapag endorser ka, number one na unang nagte-test niyan ay ikaw. So ginagamit talaga namin ito sa bahay and after kong mag-toothbrush ay ginagamit ko naman ay mouthwash.

“Sa totoo lang, itong toothpaste, kapag kumain ako, kung ano iyong stain sa ngipin ko, kapag ginamit mo ang toothpaste na ito, kapag nag-wash ka ng water, makikita mo talaga iyong stain.”  

Dagdag pa ni Zeinab, “And essential talaga sa bag ko, hindi mawawala itong spray sa bag ko. Para kahit saan, kumain ka, nag-coffee ka o kahit sinong makaharap mo ay hindi ka maiilang, para mabango lagi ang hininga mo. Dapat ay laging mabango ang hininga mo, next level na nga po tayo, ‘di ba? Dati ay jologs- jologs lang ako at hindi ko alam iyan, nagma-matured na po tayo kaya kailangang alagaan talaga.

“And ito namang gargle, maganda siya sa throat… sa totoo lang after mong mag-gargle ay mararamdaman mo siya talaga,” masayang sambit pa niya.

Leave a comment