Bea tries to calm herself after knowing Aga’s gonna call

Sobrang happy si Bea Alonzo na natupad na rin ang matagal niya nang pangarap na makasama sa pelikula si Aga Muhlach via “First Love.”

Maituturing nga raw niya itong dream come true. Ang akala niya raw noon, ay hindi na matutupad ang pangarap niyang ito. Salamat na nga lang daw at dumating ang offer sa kanya na makakasama sa pelikula si Aga.

Sabi ni Bea, “Kasi nakatrabaho na siya ng ibang mga artistang babae sa generation ko like sina Angelica (Panganiban), Angel (Locsin), Anne (Curtis), tapos akala ko, hindi na siya mangyayari. Siguro ngayon ‘yung perfect time, at ngayon ‘yung perfect project.”

Nalaman daw ni Bea na may gagawin siyang pelikula with Aga, nung ang aktor mismo ang nag-text sa kanya para sabihin na tatawagan siya nito.  That time daw ay may pupuntahan siya. Dahil sa excitement sa pagtawag ni Aga, pinatigil niya raw ang driver niya sa pagmamaneho.

Kwento ni Bea, “Sabi ko, sandali, sandali,tumigil ka. Tatawag si Aga Muhlach! Oo talagang sinagot ko. Tapos, tina-try kong ikalma ang sarili ko.”

Sobrang excited din daw ang boses ni Aga, at tinanong siya kung open siya to do a project with him.

received_2104631163123407

“Hindi pa niya natapos ‘yung sentence niya,sabi ko, “Oo.Oo. Opo, sige gumawa tayo ng pelikula.”

Hindi raw talaga siya tatanggi dahil ito ang katuparan ng kanyang pangarap, ang makasama sa isang pelikula si Aga.

Since First Love ang title ng kanilang pelikula, para sa kanya, ano ang definition niya ng salitang ito?

“‘Siguro ‘yung First Love, di ba pag nagmamahal tayo for the first time, hindi tayo nag-iisip? You just go for it. We become carefee and reckless. Siguro ‘yun ‘yung first love, when we do not overthink.”

Showing na sa October 17 nationwide ang “First Love” mula sa Star Cinema, Viva Films at Ten17P at mula sa direkyon ni Paul Soriano.

Kasama rin sa pelikula sina Edward Barber, na gumaganap bilang inaanak ni Aga, Albie Casino, na gumaganap bilang nakababatang kapatid ni Bea, at Sandy Andolong, bilang nanay nina Bea at Albie.

Leave a comment