Recently ay nag-tweet ng pasasalamat ang Kapuso actress na si Bea Binene sa kanyang Malaysian fans.

Successful kasi sa bansa ang airing ng GMA series na ‘Hanggang Makita Kang Muli’ na pinagbidahan nina Bea at Derrick Monasterio.

Sey ng aktres, hoping daw siyang maka-bisita sa bansa kapag safe na mag-travel ulit, “Until We Meet Again [Hanggang Makita Kang Muli in PH] is currently airing in Malaysia! Thank you for all the love! I can read all your comments and feedback and I’m happy that you like the show. I hope I can visit your country once it’s already safe to travel and meet you!”

Ready, set, game!

Dumarami na ang Kapuso artists na nahuhumaling sa pag-stream ng kanilang paboritong video games.

Maliban kasi sa nakakaaliw ito, naging paraan na rin nila ito upang labanan ang stress.

Nagsimula nang mag-stream ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa kaniyang official Facebook page kung saan naglalaro siya ng Mobile Legends at Ragnarok Mobile.

Subaybayan din ang gaming stream ni Megan Young kung saan naglalaro siya ng iba’t ibang games gaya ng Ragnarok Mobile, Animal Crossing, at Stardew Valley.

Call Of Duty Mobile naman ang kinahihiligan nina Rocco Nacino, Kristoffer Martin, at Michelle Dee.

Aliw din panoorin si Paul Salas at ang kaibigan niyang si Arj Eder sa Facebook page na Arj & Paul kung saan naglalaro sila ng NBA 2k20.

Abala naman sa Mobile Legends gameplay si Shaira Diaz sa kaniyang gaming page na SDiaz Gaming.

Huwag ding palampasin ang streams ni Faye Lorenzo kung saan naglalaro siya ng Mobile Legends. 

Leave a comment