Bea Binene preps up for her grand debut

by PSR News Bureau

bea.1 Dalagang-dalaga na ang dating batang TV host na si Bea Binene. Sa darating nga na November 4, nakatakda niyang ipagdiwang ang kanyang 18th birthday. Ngayon pa lang, inaabangan na ng kanyang fans ang mga magiging pagbabago sa kanya ngayong dalaga na siya.

Nang matanong si Bea kung anu-ano ang mga expected niyang pagbabago sa kanyang buhay pagkatapos niyang maging eighteen?

“Hindi pa po namin napapagusapan ng Mommy ko,” bungad ni Bea sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). “Kasi po si Mama, kapag nagtatanong ako, ‘Ma, puwede na ba akong matulog sa kuwarto ko kapag 18 na ako?’ Sabi niya, ‘Sige, kasama mo si Benice [nakababatang kapatid ng aktres],’ so wala ring difference.”

Ayon naman sa aktres, dalawa lang naman ang hihilingin niya sa kanyang magulang sa oras na tumuntong na ito sa legal age. “Matulog sa sarili kong kuwarto at saka, wala ng cut-off sa pagtulog,” sabi ni Bea.

Hindi naman minamasama ni Bea ang ginagawang paghihigpit ng kanyang ina sa kanya, na-appreciate pa nga niya ang guidance ng kanyang Mommy. Batid niyang inihahanda lang siya nito sa mas malalaking responsibilidad.

bea1Diretsahan ding inamin ni Bea na matagal na niyang hindi nakakasama ang kanyang amang Chinese. Nami-miss na nga raw niya ito. Pero hindi pa nga daw siya sigurado kung makakapunta ang Daddy niya sa debut party niya.

Bea Binene and Kristoffer Martin (2)Ang maganda kay Bea, bata pa lang ay responsible na ito. Wala nga raw talaga sa orihinal na plano niya ang mag-birthday ng bongga. “Ayoko po talaga sana mag-debut. Ang balak kop o ay mag-travel lang, magpunta sa Japan. Kaya lang, sabi po ng Artist Center, at saka ni Kristoffer [Martin, na kaibigan ni Bea], once-in-a-lifetime lang yan.”

Bagamagt wala siyang escort, magiging last dance daw niya si Kristoffer dahil best friend niya ito. Vintage glam ang magiging tema ng kanyang party na magaganap sa Maynila ballroom ng Manila Hotel.

Naitanong rin kung imbitado niya ang kanyang ex boyfriend na si Jake Vargas, sagot ni Bea: “Ang Artist Center po ang nag-asikaso ng lahat ng kailangan para sa debut ko, kasama na po yung pagpili ng mga iimbitahing bisita.”

Mula sa Philippine Showbiz Republic [PSR.ph], maligayang kaarawan sa iyo Bea!

Leave a comment