Bea Binene no longer a nene, ready for sexy scenes

Sa bagong serye ni Bea Binene sa GMA-7 entitled Beautiful Justice, ay hindi lang siya rito mapapanood na umiiyak, kundi mag-a-action rin siya, since ang kanilang serye ay isang drama-action.

Bago pa man sumabak sa taping, sumailalim muna sila ng kapwa niya bida sa nasabing serye na sina Yasmien Kurdi at Gabbi Garcia sa intense functional fit exercises, target shooting at self-defense training.

Dahil na-experience na ni Bea na gumamit ng baril, may payo at panawagan siya sa mga nagbabalak o gustong gumamit din ng baril.

Sabi ni Bea, “Before you handle a gun, sana may proper trainng, may proper knowledge how to hold one, and ‘yung kung ano ‘yung mga safety locks niya and everything, ‘And ‘yung safety precautions, before you even touch it.”

Sa Beautiful Justice ay mature na ang role ni Bea. Kumakawala na ba siya sa pagiging nene? Sa iba kasi, ang dating niya ay bata pa rin.

“E, kasi po, boses-bata! Height-bata. Pero tina-try ko na ngayon, kahit paano, mas babaan ang boses. Mas hindi magulo, ganyan.”

Handa na rin ba siya sa sa medyo seksing eksena, like kissing scene?

“Depende po sa eksena, saka depende po siguro sa ano, sa requirement,” sagot ni Bea.

“Lagi ko naman pong kasama si Mama, e. Kapag umoo siya, saka ko iko-convince ang sarili ko, ‘Kaya mo ‘yan! Kaya mo ‘yan!’

“Saka dito naman po sa seryeng ito, iyong production team saka sina Direk Mark (Reyes), talagang… ano ‘yan, si Direk Mark, naging director namin sa Tween Academy.

“Si Tita Mona (Mayuga), yung EP namin, siya yung EP namin sa Twin Hearts.

“So, talagang sa kanila kami lumaki. And alam namin, ito talaga yung pinagkakatiwalaan namin, alam ko, na kung ano yung sabihin nila, yun yung best, na aalagaan talaga nila ako.”

Ang Beautiful Justice ay mapapanood na simula sa September 9 sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Leave a comment